New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 36
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #1
    The year is 2006 going 2007, talaga bang 1 hour pa din ang pag-print ng digital photos?

    Ang nangyari kasi ay ganito, nagpunta ko ng Digiprint [ http://www.digiprint.com.ph/ver2/digital_photos.asp ] SM San Lazaro last Sunday. May pinaprint akong photos for my USB. Kinailangan pa i-photoshop (to crop, enlarge, adjust lighting) to fit the 5x7 frames na paglalagyan. Ok naman ang service, they photoshopped the photos in front of us, pati printing, on the spot na din. The staff (dalawa lang sila sa store) were very helpful lalo na't wala akong alam sa photo editing. Medyo mahal lang ang processing/editing fee but the prints themselves cost around Php20/ea (5R). Happy naman ako. Kaya lang, nung dumating na yung frames hindi pala pwede! Portrait kasi ang format nung frames eh landscape yung photos na napagawa ko. Ok lang, charge to experience na lang.

    Wala na ko time pumunta ulit ng SM San Lazaro this week. Tamang-tama naman, dumating yung January '07 issue ng Car and Driver sa SM Megamall. So nagpunta ako dun to pick up. Papareprint ko na din sana yung photos (kasi andun na din naman ako). Kaso wala palang Digiprint sa Megamall. Uh oh.

    Napadpad ako sa Island Photo sa Basement . Mga apat sila dun. Yung staff na lalaki, masungit. Yung staff na babae lakad lang ng lakad (nasa counter kami), yung iba nagtatago lang dun sa parang pantry ata nila. Nung medyo 15 minutes na kaming naka-tanga ni commander, tinanong ko na yung babae (in a nice way): "Miss may iba bang digital photo shops dito?" Ayun biglang kumilos, dinala kami dun sa terminal nila para i-process ang photos. Although medyo naiinis na ko, pinagbigyan ko na din.

    Ang ipagagawa ko ay 5x7 na portrait. Yung isa, dalawang 3R photos na magkahiwalay. Sabi ko i-print na lang sa isang sheet para madali ilagay sa frame. Aba, hindi daw pwede iyon [pero sa Digiprint pwede]! Ipiprint daw nila as dalawang 3R ako na bahala magsaksak sa frame. Siya, siya mapagpasensya naman ako. Sige ako na magsasalaksak sa frame ng dalawang pirasong larawan.

    Next, yung picture ni commander. Na-crop na niya to proper size. Sabi ko paki-liwanagan naman ng konti kasi madilim [tutal nasa Photshop naman na ang litrato]. Aba, ayaw galawin! Sa printing na lang daw nila aayusin [they didn't]. Samantalang sa Digiprint, ginawa nila sa harap ko yun and hindi sila nag-stop sa pag-manipulate ng image until I was satisfied.

    Yung ibang image, so-so din ang handling nila. So-so compared sa Digiprint SM SL. Ang alam lang ata gawin ng Island photo ay mag-crop ng images [kahit ako marunong ako nun, noh!]. Ang panget pa ng pagkaka-crop sa picture ng parents ni commander. Parang bara-bara lang, hindi man lang ginitna ng maayos ang subject.

    At ang maganda pa, nung inaantay ko yung print out, sabi samin nung masungit na staff: BALIKAN DAW AFTER 1 HOUR! . Potek, digital age na. Ano ba ito ilulublob pa nila sa chemicals? Dapat pala inalam ko na ito bago ka nakipag-transact sa kanila. Sana sa Kodak na lang ako nagpunta or other instant photo print shops. Wasak ang schedule ko for that day. Susundo pa ko sa school, kukuha pa ko ng piyesa ng Vitara, etc. Lintek talaga. Akala mo naman pagkagaganda ng resulta.

    Hindi na ko babalik ng Island Photo. Ang susungit ng mga tao, hindi naman kagalingan yung mga trabaho nila. Kahit yung maliit na Digiprint sa Monumento or E.Rodriguez pagtiya-tiyagaan ko na lang next time kung hindi man ako maka-dayo ng SM San Lazaro.

    [naglalabas lang po ng inis, pasensya na]

    [BONUS:] Yung ale na katabi ko sa counter, nagpagawa ng photo mosaic ng anak niya BALIKAN NA LANG DAW SA MONDAY! Eh Tuesday pa lang kahapon, eh! Kahit ako nakakagawa ako ng photo mosaic sa PC (after asking around dito sa Tsikot).
    Last edited by OTEP; December 6th, 2006 at 11:57 AM.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  2. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    3,231
    #2
    doc, I feel for you. hehehe..

    anyway, may malapit sa area natin na nag-piprint ng photos for half the price. yung Kodak sa may Robinsons Supermarket(2nd Floor).. ok pa service nila.

  3. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    962
    #3
    Mas OK service sa Fuji (Frontier). But I suggest na sa matt paper mo ipa-print. Hindi ko masyado trip printing quality nila sa glossy, esp. kung malaki na yung size ng picture.

  4. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #4
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    ... Susundo pa ko sa school, kukuha pa ko ng piyesa ng Vitara, etc...
    Pagbasa ko dito: kukuha pa ko ng piyesa ng Viagra... :bwahaha:

    Sorry po doc... kung pwede lang sana, pag kuha mo ng prints mo e magtagal ka pa dun para kulit kulitin sila no? :evillaugh

    Yung tipong kulitin mo & kanchawin photoshop skills nila... :bwahaha:

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #5
    Quote Originally Posted by dehadista View Post
    doc, I feel for you. hehehe..

    anyway, may malapit sa area natin na nag-piprint ng photos for half the price. yung Kodak sa may Robinsons Supermarket(2nd Floor).. ok pa service nila.
    Sir alin pong Robinson's? Berkley Square or Circle C? Halos nasa gitna ako ng dalawa, eh. Salamat po sa tip.

    Pagbasa ko dito: kukuha pa ko ng piyesa ng Viagra
    Dapat pala nilagay ko na lang na 'Sasakyan ko pa yung SUZUki' :lol:

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  6. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #6
    ang maganda dyan bili ng sariling photo printer at walang problema hehe

  7. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    171
    #7
    Bro talagang walang value added service sa shop na ito. Print as is lang ang kaya nila. Sa Fuji digital shop sa basement other side nag aayos sila.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #8
    Doc: Hehe, oploks usually mga ganyan na processing center... As for matte vs. glossy, depende sa ipiprint yan, for most pambahay 3-5R prints ok lang matte, but if you need the details of the photo, matte paper kills it hehe.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #9
    Akala ko kasi hindi nagkakalayo ang services ng photo shops since nakikita ko namang naka-bukas ang Photoshop sa terminal nila kapag napapadaan ako. Never again talaga. hehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    171
    #10
    OT; Talking about digital picture printing, to cut cost select only the picture you want to frame (as Otep did) and save the rest to CD or Website photo hosting. In case you want to print just go to photo shop with web access and select the pix you want to print.

Page 1 of 4 1234 LastLast
Island Photo SM Megamall