New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Results 1 to 9 of 9
  1. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    657
    #1
    Warning lang to sa mga pupunta ng Clark Angeles City, kung magduduty free kayo ingat sa mga traffic light dahit bibigyan kayo ng violation kahit di niyo ginawa. tiniketan ako na beating the redlight eh malinaw na naka green ang light, may kasama pa ako na pwedeng mag patunay. Ang modus operandi nila ay paparahin ka ng isang Air Force guy sa susunod na kanto sasabihin sa yo na niradyo siya ng kasama niya na naka post dun sa may intersection, sasabihin sa yo ang 3 digits ng plate # mo.

    Kinuha ang license ko pero nag refuse to sign ako sa ticket. pumunta agad ako sa headquarters nila pagkatapos non, nag complain ako pinakuha agad ang license ko, bale binabaan na lang ang violation ko na failure to wear seatbelt. ayaw ko sanang i admit yon dahil wala naman talaga akong violation pero since ayaw kong masayang ang oras ko, pumayag na lang ako, kasi nangyari na rin yan sa isang kasama ko na kinailangan pang kunin ang license niya sa San Fernando at nagseminar pa.

    Ang reason pala kaya masipag manghuli ang mga ungas na AF na yan ay dahil may porsyento pala sila sa bawat mahuli, kaya kahit wala ka naman talagang violation ay gagawan ka nila... galit na galit nga ang isang nakasabay ko sa pagkuha ng license eh, ang violation daw niya ay "failure to wear seatbelt", samantalang super black ang tint nya tapos 60kph pa ang speed niya, pano daw nakita ng humuli sa kanya. nung chinecheck ang license niya, ang daming mga license na nasa drawer nung tao sa office, ibig sabihin nakarami na sila ng huli. tsk tsk tsk


    ano kayang magandang gawin sa mga yan? sobra na ang perwisyo ginagawa nila. Ok lang sana kung tutoong may violation ka eh, kaso wala eh...

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,842
    #2
    isumbong kay Dick gordon!!!

    pucha malugi sana clark sa ginagawa nila~

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,512
    #3
    sana magawi run si erwin tulfu at mabiktima nila para makakuha sila ng katapat.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #4
    tsk tsk tsk..loko yun ah!!!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,084
    #5
    Maganda diyan is magdala ng video cam at kunan ang buong pangyayari. Pag may evidence ka you could present it to the authorities and threaten to tell the media.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    233
    #6
    paki post kahit last name ni kolokoy at patinuin natin mga bros

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,307
    #7
    isumbong na yan kay tulfo!!!
    Got Mazda?-http://www.MAZDAtech.org [SIZE="1"]est. 2000[/SIZE]
    got mazda 2? -> mazda2ners

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    657
    #8
    Ang pangalan ay Sgt. Bermudez, di sure kung yan ang tutoong name kasi nung tinatanong ko sya ayaw niyang ibigay, nung titingnan ko ang nameplate nya dahil nakatakip ng vest ang nameplate, ayaw naman niya pakita. sinabi na lang niya sgt. bermudez daw siya... halatado masyado na may katarantaduhan na ginagawa tsk tsk tsk, kaya di mo masisi si trillanes eh. puro kurakot na lang talaga.

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #9
    Look..


    Below are the guidlines regarding the official procedures and proper conduct for all MMDA traffic enforcers:

    1. Instruct the driver to pull over to a safe part of the road

    2. Inform driver not alight from the vehicle

    3. The traffic officer IS REQUIRED TO INDENTIFY HIM/ HER SELF

    4. The traffic officer is required to politely inform the driver of the violation commited in clear and understandable language without vulgarity or condescending words

    5. The officer is required to fill out the TVR in less than 3 minutes near the hood or beside the driver within hearing distance of the passengers and full view of passing motorists

    6. Officer is required to request driver to sign the TVR

    7. If driver refuses to sign, the traffic officer is required to inform the driver that he/she can contest the violation at the MMDA adjudication board

    8. If driver refuses to surrender his/her drivers license, the traffic officer is required to fill out the TVR with the following information:

    - plate number
    - type of vehicle
    - place, time and date of apprehension

    9. The traffic officer is required to furnish driver with the original copy of the TVR with the following instructions:

    -Where to redeem the TVR
    -when to redeen the TVR

Ingat sa mga AF ng Clark