I think isang reason kaya ayaw din mag papasok ng customer is para hindi makita yung ginagawa sa oto mo like sa Honda Alabang. Yung sa Honda Spa kasi na 20k pms ng jazz ko Linis brakes, torque ng wheels, Change oil at spray lang ng lube sa windows ginagawa at sinigil na ko ng 2.5hrs of labor (around 2,200 pesos) while ginawa lang lahat yun in about 1 hr since binantayan ko habang ginagawa yung car ko.
Nag reklamo ako sa SA kung bakit 2.5hrs singil na labor pero 1hr lang ginawa car ko sabi niya yun daw yung naka set na labor charges ng "Planta" for 20k pms. Nag email ako sa honda phils website para i explain yung ganung policy pero wala naman nag reply sa email ko.
Simula nun sa Shell station na lang ako nag papa service bumibili na lang ako ng consumable parts sa casa and brake cleaner then tinatago ko na lang resibo.





Reply With Quote