Results 1 to 6 of 6
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2008
- Posts
- 167
September 2nd, 2012 03:13 PM #1This morning binagga ako ng bike along commonwealth ave. I was turning left towards regalado in fairview following a car infront of me. Note na lahat ng kotse at yung bus naka tiggil na to give way kasi 2 lang naman kaming liliko. It was a typical sunday morning so no traffic. Nung nag turn ako bigla na lang kami nagulat ni missis na may bumngga sa rear ng kotse namin and it was a biker, yung mga group na naka racer bikes. Before I can even react, nasa driver side na yung biker. Aba aba aba, when I open my window nag sisisigaw siya! Right of way daw siya at hindi daw siya makaka break. So parang sinisindak ako na ako pa yung mali. Yung mga kagroupo nga niya medyo lumayu na sa kotse. What pisses me off is that I have my 3 kids in the car and they were all asking "Why is he mad?". So bumaba ako ng kotse at nasigawan ko silang lahat. I just told him oks lang naman mabangga mo ako pero sana d ka sumisigaw kasi I have my 1 month old kid inside the car.
Hindi naman at talaga magagalit at the first place. I was going to ask kung ok lang siya. Hotheadedness at agression is 0 since it was a good sunday morning drive pero salubungin ka ba naman ng ganun!
Sabi nga naman nila, sa scenario ng banggaan..unahan lang kayo ng sindak para di ka masising mali.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Aug 2011
- Posts
- 564
September 2nd, 2012 04:48 PM #2yan kadalasan naririnig ko sa road bikers. nung magbike kami papuntang malipay, a group of road bikers shouting "bike! bike! bike!" ratrat din. kaso lang kala nila kanila kalye. wala sa lugar minsan.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2008
- Posts
- 167
September 2nd, 2012 06:38 PM #3Oks lang naman mag bike. Good for our health pa. Kaya lang wag sana masyado sa major roads. Di naman fit yung kalye natin for bikers. Kung motor nga daming aksidente, bisikleta pa kaya. Tapos nasa left most lane pa sila.
Ang pinaka ayaw ko lang talaga is yung sinigawan pa ako pag baba ko ng window ko. Tapos hindi pa ako yung unang nag left turn, so dapat nag menor na siya nung nakita niya yung starex sa harap ko. Di naman maliit yung kotseng nauna at yung kotse ko para di niya mapansin. Kung yung mga kasamahan niya nakapag break, siya hindi. Tapos siya pa galit.
Correction pala, hindi pala regalado yung nililikuan ko. Pontiac pala yun. Di ako familiar sa fairview masyado.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2009
- Posts
- 1,756
September 2nd, 2012 07:44 PM #4Dito rin sa amin, ang hirap patabihin ang bike lalo na nakaparallel pa yung isa sa karamihan ng grupo ng mga bike. Kailangan pa ng long & continous beep...
para silang hindi tinatablan ng bangga o sagi!
-
September 2nd, 2012 07:56 PM #5
Anong right of way? I assume you are in the left most lane since you were turning left and you have your signal light on. Dapat nasa likod ang biker at hindi sa side ng tsikot mo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Nov 2008
- Posts
- 167
September 2nd, 2012 11:20 PM #6
Kwento ng katrabaho ko, meron daw sya officemate dati na Italiano na tinanong daw bakit...
Traffic!