marami rin pala nabad-trip kanina umaga dahil sa mga lang hiya na driver... ako dalawang beses binad-trip... yung una sa Molina (going to Cavite ako), kunin ba naman nung oncoming van yung lane ko... nag-flash ako ng ilaw pero wala paki-alam at diretso lang siya... todo brakes tuloy ako (screeeeccchhhh!!!!)... shock ako kaya di ko na nakuha yung plate no... tapos sa Governor's Drive... nasa left lane ako at yung van nag switch sa right lane pero nauunahan ng mabagal na jeep... habang padaan na ako sa tabi niya, gitgitin ba naman ako kasi overtake niya yung jeep... busina ako at tiningnan ko nalang yung driver sa side mirror niya... mukhang siya lito kaya hinayaan ko nalang siya tumuloy. Eto pa ang nakakapagtaka, parehong green van yun kaya lang magkakaibang model... yung una grace yata at yung pangalawa hi ace... hay buhay!