New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 45
  1. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    725
    #1
    I just had a very bad experience last Saturday. I was on my way to Ayala coming from Evangelista. Mali ang nasakyan ko kasi Ayala Ilalim pala yon so I had to get off at Magallanes/Mantrade. Exacto na nasa may pintuan na ako ay may lalaki na hinawakan ang ilalim ng maong ko. Eh may idea na ako na modus ito at sigurado na may mangdudukot o mangkakapkap sakin either sa harap or likod. So ginawa ko sinagawan ko ang mama na bitiwan ako sabay bitaw ng maraming suntok sa ulo. Nagulat nga ako at nagawa ko yun pero patuloy ko siya minura na bitawan niya ako sabay suntok. Sumigaw na din ako so alam na lahat ang nangyayari.

    Ang alibi niya ay kinukuha lang daw niya ticket niya. Sabi ko *#$% ka pala kung ticket yan bakit ang higpit ng hawak mo sakin? Muntik na ako matumba palabas ng bus kung tumuloy ako sabay suntok uli. Sa galit ko pagbaba inakyat ko uli at pinagduduro ko, sabay check kung may makita ako pulis o mmda. WALA! So bumaba uli ako. Tapos may isa pang mama sa pintuan ng bus na tumawag sakin sa bus pinapaakyat ako at tinatanong kung ano nakuha. Wala nakuha sakin pero ano ako *#$% alam ko na style niyo! Di naman bumamba sa bus ang loko para kumprontahan ako. Hula ko ito ang kasama na kakapkap dapat sakin.

    Ang nakakbuwisit din wala isang PULIS o MMDA sa lugar na yon! Sa araw araw na ginawa ang Diyos wala sila kung kailangan mo! Magaling lang sila sa manghuli ng motorista! Tuloy pumunta pa ako ng Precint 6 sa Ayala para mareport ko ang incident. Nireklamo ko din nga walang tao sa lugar na yon. Di na ako tumuloy sa office after that.

    Ayoko na sumakay ng bus uli at baka magresbak ang mga gagong yon. Wala na talaga ako gana sumakay uli sa bus. Wala naman mga authorities na puwede mo takbuhan kung kailangan mo... tapos ang laki laki ng binabawas satin na tax!!!! Wala din naman tutulong sayo na ibang tao... lahat at that time nakatanga lang! Nakakawalanggana tuloy tumulong sa kapwa mo pag nangailangan. Eto na pala ang Pilipinas ngayon...

    Magingat nalang kayo. Nagkataon na adrenaline ang nagpaandar sakin. Di ko nga naisip na kaya ko manakit ng tao ng ganun. Kung minalas ako puwede iba nangyari sakin. Oo nga pala mga 5-5:30 p.m. na pala nangyari ito.

    Yung sa friend ko ganitong ganito ang nangyari pero sa may Baclaran or Pasay nangyari. Ginawa nalang niya tinulak niya sabay takbo sa nearest na security. Ang nakakatakot gabi ito. Eh sakin ang liwanag pa ng sikat ng araw.

    I'm going to buy a pepper spray or a stun gun after this.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #2
    naku buti di ka nilagyan ng gripo sa tagiliran...dati nakasakay ako sa California Bus Lines papuntang Kalookan may ganyan insidente rin...nagpalitan ng salita hanggang sa nag umbagan...maya maya meron nang naglabas ng balisong...lahat sila nagbabaan...narinig ko na lang sa ale, "ayyy sinaksak!!"....sigaw namin sa driver ng bus na paandarin na ang bus...baka magsipag akyatan pa ulit ang mga mandurukot...di namin alam kung ano nangyari doon sa mamang biktima...

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #3
    kala ko ibig sabihin ng hugot pantalon eh pang manyak, which is, kung ano ano hinuhogot sa loob ng pantalon.

    anyway, buti nung pinagsususuntok mo walang resbak o kasama sa loob ng bus, otherwise, baka ikaw ang naupakan.

    although it pays to be alert, sana di rin masyadong nagreact muna....

    and be careful with the pepper spray bro.. baka may tamang inosenteng tao....

    imho.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #4
    shet...grabe....ingat tol..buti nakasuntok ka pa!!!

    ot: kala ko hinubaran ka..hihihihi

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,822
    #5
    dami talaga gago ngayon... ayaw na lang mag trabaho ng matino kasi.

  6. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    749
    #6
    clarification lang po. paakyat pa lang kayo nyan sa bus or pababa na?

  7. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    725
    #7
    Chieffy: Yun nga ang takot ko kaya humarap ako sa mama para makita ko kung may umaabang na sa likod ko... ang takot ko ang second person.

    Wakin: Pababa na ako nito. Kung mabilis ako sigurado tumba ako palabas ng bus.

    Narealize ko na misleading ang title...

  8. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    725
    #8
    happy_gilmore: naisip ko nga ng stun gun nalang... nadale na ako once ng pepper spray ko shet talaga

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,249
    #9
    akala ko rin may mga bading na naghuhugot ng pantalon
    Signature

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #10
    buti nakadami ka na suntok. sarap manuntok ng magnanakaw

Page 1 of 5 12345 LastLast
Hugot Pantalon Modus Nangyari Sakin Sa Magallanes!!!!