New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 39
  1. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #11
    Quote Originally Posted by party321 View Post
    How would you tackle this PNP+tricycle issue?
    PNP forums: http://pcr.freeforums.org/viewtopic.php?t=30

    Almost 3 years na problema to ... the first year nilagyan na ng municipal ordinance against the tricycle drivers na naka park sa tapat ng bahay namin. After a few weeks nagtangka sirain ng mga drivers ang mga signs, but we managed to save a few and put it sa bakod namin.

    After that walang tigil ang pagpapark at patuloy ang pagbuo ng illegal na terminal sa amin. They block the pedestrian lane, urinate besides the house, mura ng mura at sigaw ng sigaw, capable pa sila mag bigay ng threats gaya ng binigay nila sa Dad ko and all the PNP did was to give my Dad (a 77 year old senior citizen) a gun license, the culprit was never jailed and still parks in front of our house and the roads beside it.

    A few things to note is that: may suporta sila ng PNP
    • official statement sa amin ay 'humanitarian consideration', mas naaawa sila sa kolorum terminal kaysa sa amin na napeperwisyo ng mga 'to.
    • all our complaints nalalaman ng mga tricycle drivers


    Now our problem:
    • PNP knows we are the ones reporting. This is risky enough.
    • The tricycle drivers nga ay may PNP support, ang enforcers na dapat magpatalsik sa kanila ay either 'binabayaran' or they simply allowed them illegally (illegal nga ba? pagbigay ng awa sa mga drivers para ilabag ang mun. ordinance?)

    We have talked to our neighbors about this and they told me this seems to be a political issue. Saan daw imo-move ang terminal na to, wala daw sila mapuntahan ... but I say that is their problem. Para nga daw 'squatters' issue, kelangan may paglipatan, kelangan may 'compromise' para hindi magkagulo. But naisip ko naman kung nailipat nga sila lahat, pano na kaya kung may bago nanaman na kolorum ang lumipat ? same place?




    What is your take on this? What is the best solution?
    Several options:

    Best:

    1.) Humanap ka na lang ng bagong matitirhan. Hell yeah, mahirap dahil mahal kaya lang iririsk mo ba buhay mo dyan. Walang kwenta magpakabayani dito.

    Better

    2.) Hayaan na lang sila at iaccept na bwisit sila, or magtali ka ng matapang na aso sa harap ng gate ninyo. Ingat ka lang at baka lasunin ang aso mo. Ang paghaba ng chain ng aso eh ok din kaya lang ingat ka kung may makagat ang aso mo. Sasagutin mo yan.

    Good

    3.) Btw, pag sinabing official statement did they document it? If not, humingi kayo ng document then ilapit ninyo ulit sa munisipyo for escalation at mapatalsik ang dapat ipatalsik. Expect a war so be prepared.
    Last edited by froshie1; January 7th, 2008 at 08:12 AM.

  2. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    360
    #12
    sa tapat ng bahay namin dati ginawang pedicab terminal.. perhuwesyo talaga at threat sa safety nyo kasi parang laging may naka masid sa kilos nyo... di ako maka alis ng bahay ng matagal kasi ini-isip ko baka pasukin kami....

    Ginawa ko lagi ko nilalagay sa gate namin ang aso naming doberman, kahol ng kahol... minsan sinadya kung habaan ang leash at minsan balak kong kunyari makawala kaya ang ibang pasahero takot namapalapit sa gate namin...

    sa katagalan ayaw na ng pasahero lumapit especially mga babae at matanda nairita ang mga driber kasi nga ang ingay nga aso... ayun lumipat ng pwesto... solve ang problema ko..

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #13
    Mahirap ang sitwasyon mo bro. Dapat siguro ay humanap ka rin ng may mataas na puwesto sa PNP para patalsikin ang mga iyan,- kung PNP nga ang nagbibigay proteksyon sa mga iyan.....


    Quote Originally Posted by gonzo View Post
    sa tapat ng bahay namin dati ginawang pedicab terminal.. perhuwesyo talaga at threat sa safety nyo kasi parang laging may naka masid sa kilos nyo... di ako maka alis ng bahay ng matagal kasi ini-isip ko baka pasukin kami....

    Ginawa ko lagi ko nilalagay sa gate namin ang aso naming doberman, kahol ng kahol... minsan sinadya kung habaan ang leash at minsan balak kong kunyari makawala kaya ang ibang pasahero takot namapalapit sa gate namin...

    sa katagalan ayaw na ng pasahero lumapit especially mga babae at matanda nairita ang mga driber kasi nga ang ingay nga aso... ayun lumipat ng pwesto... solve ang problema ko..
    > Mabuti na lang bro at hindi kinanti ang aso mo.... Kayang-kaya nilang gawin iyan....

    5000:boom:

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #14
    [QUOTE=CVT;986379]mahirap ang sitwasyon mo bro. Dapat siguro ay humanap ka rin ng may mataas na puwesto sa PNP para patalsikin ang mga iyan,- kung PNP nga ang nagbibigay proteksyon sa mga iyan.....



    > Mabuti na lang bro at hindi kinanti ang aso mo.... Kayang-kaya nilang gawin iyan....

    5000:boom:/QUOTE]

    hindi lang pnp, brgy officials mismo, gamit sila sa election day, hatid/sundo ng mga voters, convoy pa sa parade!

  5. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    1,273
    #15
    ilapit mo na sa media yan para mabulabog yang mga yan at yung mga may patong diyan.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #16
    gawin mong grocery ang bahay ninyo... tamang tama sa tapat ng tricycle station yang negosyong ganyan.

    tapos lipat kayo ng matitirahan... sigurado ako na kikitain ng grocery yung bago ninyong lilipatan.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #17
    Ganyan din sa isang puwesto namin dati kaya inilipat na lang namin kesa mapaaway. mahirap makipag-away sa mga barumbado at bastos baka buhay mo pang kapalit kawawa lang pamilya mo. mas magandang lumipat na lang ng tirahan kasi mas dadami pa yan.

    Pag nakalipat ka na gawin mo naman maglagay ka ng mga thumb tacks na halos half inch ang haba sa pilahan nila tignan mo araw-araw magpa-vulcanize mga yan

  8. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #18
    Quote Originally Posted by wildthing View Post
    gawin mong grocery ang bahay ninyo... tamang tama sa tapat ng tricycle station yang negosyong ganyan.

    tapos lipat kayo ng matitirahan... sigurado ako na kikitain ng grocery yung bago ninyong lilipatan.
    same idea here..... magandang tayuan ng business ang area na may malapit na terminal.....

    dati may nagtangka gawin terminal yun harap ng bahay ni erpats.... dun pa nagsusugal... tinutukan ng baril... ayun nagsilipatan.... sa matandang bahay naman nina wifey ganun din.... kaso di naman terminal, pinaparadahan ng magsasabong. since malaki naman yun lot eh pinag-pay parking ko na lang sila! yun nakahalang sa driveway at ayaw mag-pay parking eh pina-flat ko na lang yun gulong! hehehehe!!!

    seriously... report mo sa LTO since sabi kolorum naman yun mga tricycle. kung madalas ang operations dyan eh lilipat ng lungga mga yan

  9. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #19
    My wifey used to have this dilemma also. The area outside their gate was used as an illegal terminal by jeepney drivers. What they did was lumipat na lang sila. They were only renting the place naman kasi. The problem with the terminal was that di man lang marunong maglinis and practice ng proper hygiene/sanitation ang mga hinayupak na driver. Ang panghi ng pader nga e. Meron pang tong-itan while waiting for their turn. I don't know what happened na with the place, kasi twas a long time ago, and wifey and sibling were only renting the place while they were still studying in the city.

  10. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    8
    #20
    Maraming salamat sa mga reply at pakikiramay sa problem na to...

    Pwede rin sa LTO .. para next time na mag renew sila ndi na pwede. Yun nga lang madali din bayaran ang LTO sa dami pa rin ng mga fixers ngayon..

    I'm not sure about ung pay parking o pa kuha ng terminal permit, main road kasi - bawal talaga any type of terminal.

    Mahirap mag move... paano pag magkaroon din mga tricycle ang paglipatan hehehe.

    *Mayor, pwede cguro.. pero perwisyo naman ang politics na yan, parang mga squatter ksi. iisipan tlga kung san sila lilipat ksi nga mawawalan ng boto 'to. Mga dalawang pamilya(or more?) kami na nagrereklamo kumpara sa cguro bente na pamilya ng mga tricycle driver.



    Update sa problema:

    Last monday lang nagsumbong na ang Dad ko sa Hepe ng PNP Taytay at isa pa nyang kakilalang pulis. So ang nangyari binigyan ng matinding warning ang president ng kolorum na bigay ng pulis na tumulong samin. Nawala mga tricycle buong araw.. then pagdating ng gabi todo ang parking nanaman at sigaw ng sigaw at pagpaparinig sa harapan ng bahay namain, akala nila panalo pa rin sila at ndi sila mapapaalis, Hayy

    The next day medyo tumahimik, nagsilipatan karamihan sa lumang lugar nila sa kabilang kanto, pero every evening bumabalik isa-isa malapit sa amin, palibhasa kasi katapat lang namin ang ministop dun malaki ang kita ng mga 'to.

    Kanina lang may nagparinig nanaman saken, 'cge lang tawag lang ng twag at txt ng txt' kasi nga alam nila na ako ang nagrereport sa kanila. Perwisyo tlga mga 'to... the next time na mapuno na ako dadalin ko na talaga sa chairman, mayor, media (abscbn xxx or imbestigador), lto at official complaint na talaga sa napolcom at camp crame.

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
How would you tackle this PNP+tricycle issue?