meron na din akong na enkwentro sa ganyan: minsan sa baguio,naghahanap
ako ng parking malapit sa busy market. noon meron lumabas na naka park,
sinignalan ako noong lalake na ipark ko na ung oto ko. pagkatapos,binigyan ko na lang syang dalawang piso.

minsan din sa san fernando pampanga market, noong umaatras ako ng parking slot. meron isang bata na biglang pumunta sa likod ko, at gina-guide nya ako palabas sa kalye. noong papaalis na ako kinatok nya
window ko. syempre alam mo na anong ibig sabihin noon. baba ko window ko,
at binigyan ko lang baryang dalawang piso.

kung minsan parang na oobligado tayo talaga magbigay. pero naiisip
ko siguro talagang gutom na ung tao, at gusto rin kumain. sila wala,tayo meron; so, binibigyan ko rin naman siya na walang angal. sabi nga sa biblia:, "give and it will be given back to you". kung barya-barya lang okay lang akong magbigay.

ayaw kong bigyan ung mga lasing, tapos pambili lang ng alak nila.