salamat ng marami sa inyong pakikipagdalamhati sa akin. ako ay natutuwa at meydo naibsan ang nararamdaman kong pagdurusa.
tama ka kapatid, lahat ng mga sinabi mo ay tumpak o tama. mayroon kaming police report nakasaad doon kung sino ang magbabayad ng lahat ng perwisyo. ito rin ay nasusulat sa aklat talaan ng mga alagad ng batas.
hindi na ako nangahas pang magdemanda dahil sa maliit lang naman na halaga ito. isa pa, malaking abala ang idudulot nito sa ganang akin. sa katunayan ay pinagawa ko na itong aking mahal na sasakyan kinabukasan lamang.
ikinalulungkot ko namang ipaalam sa inyo na hindi ako nakakuha ngayong taon na ito ng panseguro para rito.
tulad nga ng sinabi mo. ipinagpapasa diyos ko na lamang ang lahat ng ito.
