New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 58
  1. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    100
    #1
    Last week Aug.8 around 2-3 AM, My brad and I went to pares retiro(sa dulo), nung tapos na kami, uwi na kami abad santos, so daan namin chinese gen, tapos left kami papuntang new antipolo st sa may riles. so nung nandun kami sa riles nakita namin may nakahigang tao sa gilid na parang patay ang pagkakahiga, then sabi ko sa brad ko hinto mo sasakyan tignan natin yan baka patay, so tigil kami.walang ka taotao sa paligid puro barongbarong lang. For safety purpose i tucked my carrygun(concealed) on my waist kasi ugali ko na pag alanganing lugar i always carry my gun, upon aprroach sa tao, may 3 lalaki na na tumatakbo papunta sa min, yung 2 may bitbit na mahabang bagay tapos yung isa naman makikita mo na kutsilyo talaga yung bitbit, tapos nung malapit na sila 2x2 pala na kahoy yung bitbit ng dalawa.. sabi ko sa brad ko tignan mo sa likod natin baka meron pa kasi iba na to... sabi nung isa samin P**ng ina niyo binangga niyo kapatid ko habang lumohod siya sa nakahigang tao.. sandali sandali sabi ko( mga 5 meters layo namin sa kanila)nasa grile na kami ng sasakyan. napadaan lang kami at nakita namin yang nakahigang tao, tutulungan sana namin. tumayo yung lalaki, p**ng ina niyo sinungaling(parang aatake na), bunot na ng baril(chamber loaded na ako) wag kayong lalapit may baril ako, sigaw yung isang lalaki pellet lang yan. nag warning shot na ako, sabay tutok sa kanila takbo yung dalawa, yung may kutsilyo parang lalapit pa eh. sabi ko sa sarili ko sarili ko, di na laro to, totoong scenario na ito, sabi ko sa lalaki, dalawang hakbang pa, tutumba ka na, Promise.. nag isip yung lalaki, umatras tapos sabay takbo, kami naman dali dali sumakay tapos, patakbo sasakyan... ung nakahigang tao nandun pa din.. sabi ko sa brad ko Blotter natin, sabi niya wag na. aberya lang yan. Kung wala siguro akong baril, malamang baka may patay na samin ng brad ko or worst, 2 kami na patay na..

    di ko makalimutan yun, ganun pala feeling. Buti nalang at gun club member ako, very calm ako at di ako ninerbyos kasi baka ma rattle ako at makalabit ko trigger ko at pagbabarilin ko sila lahat. alam ko ginagawa ko. kasi at a blink of an eye may mamatay sa kanila.

    sa lugar na yun, wala man lang tanod o mga ilaw man lang sana, pano yung mga ibang motorista na mabibiktima nila, ano kaya gagawin nila sa kanila. holdap tapos papatayin nila..tsktsktsk. Yung mga walang armas para ma defend man lang sarili nila. pano na sila..

    Siguro nga isolated case lang to, pano kung may namatay dito? Ingat dito sa lugar na to mga tsikoteers.by the way Hyundai tucson tsikot namin that time, siguro alam nila mga yuppies nakasakay.

    diko talaga makalimutan yung saying sa gun club: ITS BETTER TO HAVE A GUN AND NEVER NEED IT, THAN NEED IT AND NEVER HAVE ONE....

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,036
    #2
    buti na lang may dala ka bro. hirap talaga buhay ngayon. madami talaga ogags dyan sa may area na yan. sana nag warning shot ka sa binti nya para matuto

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,091
    #3
    madilim talaga sa lugar na yan dapat hinde na kayo tumigil at bumaba ng kotse sana tumawag na lang kayo ng police i report na meron tao na nakahiga doon

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,872
    #4
    Buti nalang at hindi na naka-porma pa ang mga yun. Hindi na talaga safe ang mga kalye ngayon sa mga masasamang loob.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,091
    #5
    sana binaril mo na kahit sa mga legs lang...para madala SAYANG!!!

  6. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    100
    #6
    pag binaril ko kahiit sa legs lang, malaking aberya parin yan. pero kung lumapit at i a ataack na kami, di na ako magdadalawang isip pa.

  7. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    1,463
    #7
    *DonCuadro,

    Paano sir kung may baril din yung isa. Sigurado pag bumunot yun ay ipuputok talaga dahil walang ibang gagawin kundi aatake. Ano ang gagawin nyo (as PPSA member) kung naging ganun na ang sitwasyon? Are you going to pin down the guy with a gun or tutuluyan nyo as self-defense? Im sure asintado naman kayo (kasi gun club member) hindi katulad ng ibang unipormadong ..'ahem, ahem'... dyan.

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #8
    hirap na talaga ma-distinguish ngayon kung ano ang tunay na dapat tulungan at alin ang trap! hayyy buhay nga naman...

    the thing is, mas matindi mha holdaper ngayon. simple na lang ang pumatay sa kanila. tsk tsk

  9. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    181
    #9
    sir doncuadro, never never disembark from your vehicle in areas like that. it's a hold up modus operandi. if it really was a dead body, the local residents would have reported that.

  10. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    45,927
    #10
    pwede naman just avoid/ignore the body on the ground eh

    baket pa kailangan huminto at bumaba?

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Holdapers at New Antipolo st. galing ka Chinese Gen.Hospital