https://www.facebook.com/photo.php?v=738541342852304
alam ko madaming cagers galit sa mga riders pero itong isang to ay walang puso
https://www.facebook.com/photo.php?v=738541342852304
alam ko madaming cagers galit sa mga riders pero itong isang to ay walang puso
^^^ Whoa, tangene brutal nga, buti nakatakbo yung rider kung hindi dali rin siya dun.
Last edited by brainmafia_310; April 9th, 2014 at 12:54 AM.
Hindi ko makita. Wala akong facebook
Sent from my Nexus 7 using Tapatalk 2
^^^ Kahit wala ka fezbuk nakapublic yung link Sir maaccess mo yung video. nasa harap yung motor tapos nabangga ng pick up, pagtumba ng motor takbo si rider, then si pickup sinagasaan yung mismong motor.
feeling ko nagkainitian sa traffic kaya naghahabulan yung dalawa.
tindi ng epekto ng summer.
Ba't kaya di bumaba yung nasa harap na SUV? Mukhang malakas din tama sa kanya kasi natulak ng malakas yung motor sa likod nya.
Wow that's really bad. The video isn't that clear so I wasn't sure where the rider jumped off but I'm glad he wasn't killed. Which part of Manila did this happen? And I think they probably were angry at each other with what happened.
the rider just fell off after niya ma-rear end ng pickup good thing naka full gear kahit papano nabawasan impact at nakatayo agad siya. Mukha naman hindi sila naghahabulan kasi kung naghahabulan yun hindi pupwesto dun yung nakamotor sa likod ng suv instead sa overtaking lane siya lulugar. Baka nagulat lang si pick up pag tingin niya naka-stop na si motor sa harap at natakot din si pickup driver baka makuyog kasi may mga riders din sa paligid.
Discipline is a two way street.
Ang tanong ay ano kaya ang nagawa ng motorsiklo para matindi ang galit ng pick up driver?
Sa pick up driver naman, kung hindi lang nakapreno, bakit kakaladkarin pa at tumakbo?
Masyadong madaming question marks itong insidente na ito para makahusga tayo kaagad
sabi sa description sa Cainta, Rizal daw 5:20 am April 6.
grabe dati yung bike sinagasaan ng montero ngaun naman motor inararo ng pickup.
sa opinion ko natakot yung pickup driver kaya tumakbo, kasi kung galit yun sa nakamotor dapat sinuro agad niya ulit after matumba kaso nagintay pa siya ng ilang seconds bago tumakbo. Pero ano nga kaya ang tunay na dahilan?
mukhang matindi galit ng pick-up sa naka motor.
saka kung walang kasalanan ung naka motor bakit sha tatakbo palayo.
un nga lang, mali pa din ang ginawa nung pick-up.
My thoughts:
5:20am diba? Uwi ng lasing yan. Maybe lasing si pick-up driver. Since nabangga niya imbes na hintuan tinakbuhan na lang
Or nagkainitan sila ni mc rider, karipas ng takbo si rider eh? Diba ang tendency pag binangga ka eh haharapin mo bumangga sayo, the way he run instantly mukhang something is wrong.
Pero mali pa din si pick-up driver dun. Whay if hindi nakatakbo malamang mag tire marks na sa katawan si rider hehe
Sent from my iPhone using Tapatalk
mali talaga ginawa nung pick up pero nakaka pag taka din bakit tumakbo agad yung MC rider palayo as if he knows something is about to happen. tama nga sabi niyo ang instinct natin pag nabangga tayo eh lapitan naka bangga sa atin so bakit itong MC rider eh tumakbo agad. kadudaduda talaga yung action niya, so i think may ng yari talaga alitan bago pa siya banggain nung pick up driver.
Nag effort naman akong i-check ang FB profile nya. Sinabihan na syang i-report sa pulis or LTO kaso parang hinde pa rin nya ginagawa. Puro pa-share lang ang sinasabi at gusto yata i-asa lang sa social media.
Iniisip ko lang, baka walang papeles motorcycle niya kaya ayaw niya i-report?
Posted via Tsikot Mobile App
Eh kung meron man baka hinde na renew. Nung nakabangga ako ng Motor last month, galit na galit yung driver at talagang sinuntok ang hood ko. Nag sorry ako at sabi ko sa presinto na lang kame mag-usap. Sabi nya saken, wala na daw sya oras at paso na ang drivers license nya haha. Btw, sa cainta ko rin nabangga yun![]()