New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 17
  1. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    13
    #1
    mga bossing nabangga ako kaninang madaling araw pero tinakbuhan ako ng nakabangga...ganito ang pangyayari...
    galing ako ng binay street(bahay namin) pupunta ako ng pasay road near makati cinema square, so turn right ako papunta sa southsuperhiway...then straight lang takbo...pagdating ko sa in-between corners ng gen.del pilar at capinpin street..may narinig na lang akong screetch then blag,sapul likuran ko..hinto ako para tingnan..ng bababa na ako biglang tatakbo yung Honda Crv,so alam ko na agad na tatakbuhan nya ako,tiningnan ko agad plaka,nakita ko yung 3numbers(483)..bigla syang kumanan sa capinpin street, taga-roon ako kaya kabisado ko mga kalsada, sinalubong ko sya sa next street,bonifacio,then umabot kami sa bulo ng rodriguez street..dead end kasi sinasarado ang ilang street sa amin pag gabi...huminto sya at hinto rin ako, 3 cars ang pagitan namin tapos sinulat ko agad buong plaka(XHZ-483)[SIZE=4](XHZ-483)[/SIZE] ...pakiramdaman baka kasi may kargada eh..then bigla syang nag-reverse balak ata ako sagasaan so ang ginawa ko atras ako then gumigilid,tapos baba ako...nakita ko yung driver kasi nakababa window nya..lasing ang mama kasi yung ulo pumapalo-palo parang hilo..iniwan ako hindi ko na sinundan..ang ginawa ko dumiretso ako sa barangay hall para mag-report then sinamahan ako ng mga kagawad sa Police traffic division(ilalim ng magallanes)...duon ako gumawa ng report at nagpa-blotter...

    heto yung kotse na bumangga sa akin....dark colored(PARANG GREEN) HONDA CRV plate number XHZ-483...

    Mga bossing sana matulungan nyo ako...anu ba dapat gagawin ko, baka kasi matulog lang yung report sa mga pulis...

    damage ng kotse ko ay pumasok yung bumber,then yung trunk pasok din..hindi na maisara yung compartment...

    TPL lang insurance ko, wala ako budget magpa-repair ngayon...

    hope matulungan nyo ako...thanks in advance!!

    fernan

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #2
    ireport mo na agad sa LTO bro. then ask LTO if they can give you the name and address of the owner of the car. sana may dala kang cam at that time para mas mabigat evidence mo.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #3
    check the owner and the address sa LTO..for sure may record naman sila.

    og*g yun ah...

  4. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #4
    badtrip un ganun... sana maresolve ng PNP faster than usual...

  5. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    746
    #5
    ipa-blotter mo rin. tama si jim & baiskee report mo sa LTO. i have read somewhere here that the car cannot be registered if it has an outstanding complaint against it.

  6. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    3,067
    #6
    marming cases na niyan sa tsikot...

    go to LTO... since computerized na sila hindi siya makakarehistro... tapos dun magdemand ka ng bayad for your car, stress damage, sabihin mo tumatakas siya sa kaso niya, interest charges dahil saibihin mo inutang mo lang pambayad, yun time na nawala sa iyo, nagleave ka sa work without pay, etc... malaki kaso niya! makakapagdemand ka ng gusto mo... that is the price he would pay for being very irresponsible and childish...

  7. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #7
    naku drunk driving tapos wreckless imprudence ba yun. Pwede mo kasuhan yan. Dapat talaga baon mo ang digicam para huli sa akto

  8. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,751
    #8
    the problem there is the burden of proof is on you. hanap ka ng witness or anything that could strengthen your case. kung yung damage lang pagbabasihan, baka paayos nya yung damage sa kanya at di na maprove na sya nga nakabangga sayo. good luck!

  9. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    4,241
    #9
    tama yung pinablotter mo and police report..

    next step, yuung plaka sa lto pahanap mo kung kanino nakaregister. then try to contact the owner or file a complaint....

    daanin sa legal attorney...

    question po sir?. ala kang kasama nung nangyari yun? so wala tayong witness/.. hmmm

    panu pag ka ganun tsikoteers? possible bang idemanda yun?

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #10
    Originally posted by coiter
    the problem there is the burden of proof is on you. hanap ka ng witness or anything that could strengthen your case. kung yung damage lang pagbabasihan, baka paayos nya yung damage sa kanya at di na maprove na sya nga nakabangga sayo. good luck!
    hirap talaga pagtinakbuhan ka... mahirap iprove pagkatapos

    Same day dapat or ora mismo puntahan sa kanila

Page 1 of 2 12 LastLast
Hit n Run Victim: need your help!!