
Originally Posted by
AnuVaYan
swerte sya kayo ang natyempuhan niya. Naaalala ko dati may kinukwento father ko, siya kasi driver ng tito ko. May sumagi daw sa kanila l300 daw. E yung driver mayabang, binabaliktad sila. Pinatawagan niya yung boss para sila mag usap, e mayabang din yung boss wala daw siyang panahon doon. So ayun nagalit tito ko, hindi nila inalis dun yung mga sasakyan, pina imbestigahan, e sure silang kasalanan nung van e, ni kamot ulo wala. E tito ko walang hinahabol na oras yun, sila kailangan nila yung van for delivery. Tapos nung lumabas nga yung results e may kasalanan nga yung van, pinagmumulta sila, naka hold sasakyan nila. Saka ngayon siya kino-kontak nitong boss, pag usapan na lang daw nila. Sabi naman niya e kanina may oras akong makipag usap ayaw mo, ngayon wala akong oras. So yun, multa ang mga kolokoy. Yung pera din na para sa damages ng kotse niya binigay din daw niya dun sa imbestigador, para makita nung mga mokong na hindi yung pera nila kelangan niya. Kung nag kamot ulo siya at nag apologize wala pa sana silang problema.