New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 21 to 30 of 64
  1. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    181
    #21
    nakakalungkot naman, pati mga nasa city hall, si tulfo din tinuturo
    para maresolba ang problema. nakakaiyak naman ang katiwalian sa gobyerno.

    sino kaya yung may ari ng towing service na yun at di magalaw-galaw, kahit ng QC at Manila City Halls?

  2. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    6,497
    #22
    Quote Originally Posted by hitomi View Post
    nakakalungkot naman, pati mga nasa city hall, si tulfo din tinuturo
    para maresolba ang problema. nakakaiyak naman ang katiwalian sa gobyerno.

    sino kaya yung may ari ng towing service na yun at di magalaw-galaw, kahit ng QC at Manila City Halls?
    isa lang masasabi ko dito: Inutil! ang mga taga QC City Hall

  3. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    763
    #23
    I was almost towed once.

    I was in a residential area with very light traffic and a mechanic already working on the car. Nagscandalo ako tapos sinisigawan ko mga nagkakabit ng cables. naglabasan mga tao sa bahay at buti naman nahiya mga mokong.

    Any tsikoteers interested in putting up a vigilante group?

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #24
    All I want is kung bawal yan sa QC is dapat ipasara yan ng QC, yun lang!! Tapos request lang driver ko tsaka yung pahinante ko yung mga mokong na driver ng tow truck and co. pasuntok at pasampal lang daw sila..quits na

    Vigilante group pano? Ala Duterte? pagusapan natin yan.

  5. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    202
    #25
    vigilante? sali ako dyan, gusto ko may dala ako nail gun with hundreds of thousands of nail bullet belts! walang malalagyan kahit kulangot yung gulong sa puno ng pako..

    seriously, di ba pwede i reklamo kay SB? or kay Magtanggol Gatdula ng qcpd?

  6. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    129
    #26
    eto ba yung sa may Regalado? Yung may kainan na kubo-kubo din sa loob? Kung ito nga yun, AFAIK na-feature na ni Ben Tulfo aka BITAG yan. Ganyan talaga MO nyang mga hinayupak na yan. tsk tsk Last year ko napanood yan e. Hanggang ngayon pala e ginagawa pa din nila yan? Punta ka sa IBC Channel 13 sir iparating mo ulit kay BITAG yan. Nung napanood ko yan e, nung pinasok ni Tulfo yun ofc, pinagbintangan pa atang nawalan sila ng pera. Hehehe galit na galit si Ben Tulfo kasi parang gustong sabihin ng kahera na ninakawan sila ng crew nung nangyari yung commotion. Yun mga kumakain na pulis dun e wala daw alam dun, kumakain lang daw sila sa eatery dun. Naknangtikwa talaga parang di nga talaga matitibag yung towing na yan ah! tsk tsk tsk Vigilante na nga lang......

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #27
    Yan nga ser lapit sa SM fairview..Upload ko yung nakuha kong pics mamaya nakunan ko yung kubo nila dun...

  8. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    93
    #28
    Quote Originally Posted by cablespy View Post
    I was almost towed once.
    Any tsikoteers interested in putting up a vigilante group?
    Call! Armed and ready na ako, kung mey sumubok mag tow sa ride ko sa walang kwentang dahilan titirahin ko tuhod nila ng naseball bat!

    Pero seryosong usapan, ba't ba nakaka operate pa yung *#$%^& towing company na yan kung illegal 'to sa QC? Nagsisisi tuloy ako na binoto ko si SB. Although kung si Mathay mey hawak pa rin sa QC malamang mas malala pa yung mga anomalya.

  9. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    23
    #29
    ako nga bumibili lang ng halaman sa malapit doon, nilapitan na ng tow truck. may problema daw ba? bawal daw doon mag park.

    sabi ko oo, problema ko, wala ang orchid na gusto ng nanay ko.

    nagtaas na lang ako ng boses, tinuro ko yung mga ibang kotse, sabi ko hulihin muna nila yon. pati yung tindero ng halaman nakisama, nang delihensya lang daw yang mga yan.

    nakaka taas lang ng BP.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #30
    this happened a few weeks ago. ung sasakyan ng friend namin tumirik din along commonwealth, kasama nya mother nya and their driver, ilang sandali lang dumating na tong mga mokong na tow truck at pinipilit hilahin ung oto, ayaw pumayag ng friend ko kse malapit na maayos sabi ng driver...pero hindi sila nagpapigil at hinila nila ung oto with the driver inside the car. Di nila alam, executive ng Philippine Star ung nanay ng friend namin, so kinabukasan nasa dyaryo na sila...dunno lang kung anong nangyari after that, haven't talked to my friend lately

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Hinayupak na Towing Service!!