"
Mga 10:30 am, may tumawag daw sa bahay na nagpakilala bilang "Marissa". Kaibigan daw siya ng nanay ko. Ayon kay Marissa, naaksidente daw kami ng nanay ko. Nakabangga daw kami ng kotse at sadyang nasira daw yung nabangga naming kotse pero 'yung kotse namin mismo ay hindi napahamak (paano naman nangyari 'yon?). Sabi ni Marissa, nasa police station daw kami at hindi kami makatawag o maka-withdraw ng pera dahil kinuha ang ATM at cellphones namin. Sabi niya kay Ate Pina, "Kunin mo na ang pera sa cabinet, tapos hintayin mo ang tawag ko kung saan dadalhin." Siyempre di na naniwala si Ate Pina, at
noong tinanong niya kung saang station kami iniimbestigahan, walang maibigay na sagot si Marissa. Binaba ni Ate Pina ang telepono, at sinubukan niyang tumawag sa tita ko sa MMDA. Pero surprise, dahil sina Marissa din ang sumagot ng tawag niya. Apparently, kaya na nilang mag-intercept ng phone calls. Sinubukan naman ni Ate Pina na tumawag sa nanay ko, pero si Marissa ulit ang nakasagot. Narealize ni Ate Pina na tapped na nga ang linya namin, kaya pumunta na lang siya kapitbahay para tumawag. Pumunta rin siya sa guard house para ireport ang incident, tsaka para humingi na rin ng tulong sa guard. Pumayag naman yung mga guard, at mula kanina e paligid-ligid sila malapit sa bahay namin.