New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 21 to 30 of 70
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #21
    Kay bosscarlo (ng HCP) nga yan. Ang nakakatakot is mga 5mins away lang din kami sa lugar nila. And recently may tinira din dito malapit sa amin (sa Mira Nila homes nangyari). Pajero ata or something, hindi ako sure pero pinalabas sa TV Patrol.

    Same modus, kinuha sa bahay susi then drove off with the car.

    Kakatakot talaga.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  2. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #22
    ^ Baka umaatake nanaman yung carnapper ? Naglaylow muna sandali ?

  3. Join Date
    May 2004
    Posts
    903
    #23
    Eto lang napansin ko ah...

    1. Mahirap mag Jack ng sasakyan lalo ng kung kalawangin na ang jack... So kung ako talaga yan baka pinalitan ko yan ng pipitsugin na rim at gulong bago ko dadalhin sa Gloria 2... isipin mo mag jajack pa ako eh kung may makakita sa aken dun... Probably using 1 jack kasi yung 3 naka hallow blocks lang....

    2. kung mag nanakaw ako at pyesa lang.. hindi ko iiwan yung driver side na siding.. kasi yan ang pinaka mahirap hanapin...

    3. Kung ako talaga magnanakaw... ninakaw ko sa QC malamang iiwan ko yan sa Batangas or kahit Bulacan man lang...

    4. Kung may galit ako sa May ari malamang binasag ko windshield or nilagyan ko ng napakaganda at napaka habang gasgas.....

    5. Pati power window motor ninakaw.... REALLY? Magkano lang surplus nan... and to think may kahirapan tangalin yun ah...

    6. Malamang hindi carnaper gumawa nan.. kasi hindi nila ninakaw yung Car eh... Kung carnaper talaga, hindi mo na makikita oto mo.. mas malaki risk kung iiwan pa yung sasakyan at jajack mo pa para kunin yung 4 na gulong and mags....

    Few question sa may ari ng kotse
    1. may force entry ba sa bahay?
    2. Sino sino nasa bahay nung nawala yung kotse?
    3. Paano walang nakarinig na umalis yung kotse?(baka malaki bahay)
    4. Nung pag gising mo sino wala sa bahay or mukhang puyat? hehehe
    5. May insurance ba yung kotse?
    6. If yes kasama ba yung set up sa insurance?
    7. If yes again paano plan mo sa pag claim? Cash settlement or others?
    8. Gaano ka sentimental yung sasakyan at kung saan saan mo lang iniwan yung susi? Yung susi ko katabi ko matulog(ewan ko lang sa iba). Sermon.

    Theory lang
    1. Kung ako tatanungin mo ah, ano gagawin ko dun sa parts na nanakawin ko sayo? Bebenta. Kanino at saan? Gagamitin. Hindi rin kasi ma obvious ako yung nag nakaw.
    2. Ang big question is paano nakuha yung susi sa Bahay ninyo?
    3. Street parking ba kayo or may garahe kayo?
    4. kung may garahe hindi ba ni lolock yung garahe?

  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #24
    mukhang sa ibang place tinira yung ibang parts, then the car was driven to where the car was found ta's dun na tinanggal yung gulong - mukhang eto explanation why the carpartsnapper ( hindi raw carnapper eh ... ) installed the seats and the old SW.

    pero bakit pati jap plates, pinalitan ?

    ---

    *1997

    Few question sa may ari ng kotse
    1. may force entry ba sa bahay?
    2. Sino sino nasa bahay nung nawala yung kotse?

    I have a feeling, though masama humusga, that their boy or maid kung meron man is involved in this. Kasi, basing from the post walang nabanggit na merong forced entry.


    3. Paano walang nakarinig na umalis yung kotse?(baka malaki bahay)

    That's what im thinking about. Naka-set up yung oto, malamang may muffler yan. And based from experience, kapag cold start ang oto ta's inilalabas ng bahay the muffler roars loudly. Louder kaysa sa ingay niya kapag nasa normal temp na ang engine.

    And if that's the case imposibleng hindi marinig 'to ng tao sa bahay.


    Theory lang
    1. Kung ako tatanungin mo ah, ano gagawin ko dun sa parts na nanakawin ko sayo? Bebenta. Kanino at saan? Gagamitin. Hindi rin kasi ma obvious ako yung nag nakaw.

    Pwedeng gamitin yung ibang parts, syempre yung hindi halata. For example, yung woofer. Who would think ba na sayo yun. Unless nagpacustom made ka ng sarili mo. :hysterical: Then yung SW nga. Ta's yung recaros, at para maitago yung punit sa gitna, malay mo ipapareupholster yun.

  5. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,759
    #25
    Nasan yung original plate na HCP 111? I thought I saw a gold eg civic with the same plate at the Fort near the mini showroom.

  6. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #26
    Quote Originally Posted by Cathy_for_you View Post
    Nasan yung original plate na HCP 111? I thought I saw a gold eg civic with the same plate at the Fort near the mini showroom.

    Malamang tinangay na rin. Wala na sa pics eh.

    Nah. I doubt it kung yan yun. Baka HCP din then ibang numbers.

    Kung ako yung gumawa nun di ako tatambay malapit sa teritoryo ng naka-Honda. ;) At di ko rin gagamitin yung plates if I were up to do nothing but drive around the city.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #27
    That's what im thinking about. Naka-set up yung oto, malamang may muffler yan. And based from experience, kapag cold start ang oto ta's inilalabas ng bahay the muffler roars loudly. Louder kaysa sa ingay niya kapag nasa normal temp na ang engine.

    And if that's the case imposibleng hindi marinig 'to ng tao sa bahay.
    I can't speak for Carlo pero nung ninakaw ng next door neighbor (actually driver ng neighbor) yung Kia Pride ng pinsan ko na naka-park sa street namin, tinulak muna nila down the street bago pinaandar (gamit ang susi ng Kia Pregio ng kapitbahay namin).

    Maingay din yung Pride, pero dahil hindi naman inistart hangga't hindi nakalayo, walang nakarinig sa amin.

    Malas lang ng magnanakaw na 'reliable' ang Kia Pride. Ayun tumirik mga 500 meters away. hehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  8. Join Date
    May 2010
    Posts
    743
    #28
    Sa dami ng nanakawing kotse, Kia Pride pa

    Hindi na talaga mawawala yung inside job, tsaka nasan yung PH plates?
    Last edited by mikomac; March 21st, 2011 at 03:17 AM.

  9. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    965
    #29
    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Meron. Orig Recaros daw upuan niya. Ewan ko nga kung bakit pinalitan pa eh.




    Check mo. Orig yung kanya eh. Pinalitan nung magnanakaw ng fake.

    Plates niya na orig is :
    32-59
    Pinalitan lang siguro para ma-drive papunta sa Gloria 2 - pagdating dun, tanggal gulong, tapos alis.

    Edit:

    Nasabi na din pala ng iba

  10. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    965
    #30
    Quote Originally Posted by mikomac View Post
    Sa dami ng nanakawing kotse, Kia Pride pa

    Hindi na talaga mawawala yung inside job, tsaka nasan yung PH plates?
    Baka kasi meron pa rin mga taxi na Kia Pride, kailangan nila ng spare parts?

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast

Tags for this Thread

HCP-111 carnapped, recovered.. don't buy the parts