Mga ibang tao talaga...
Kanina along Quezon Ave eastbound, sa U turn slot close to classmates... I just took a u turn and was on the left most lane. At about the same speed, may 89-93 na Galant na was veering towards me. Bumusina ako once, tuloy pa din sya, and again pero sige pa rin sya. Halos pantay lang kami, in terms of position and speed.
So bumusina na'ko ng mahaba pero di pa rin sya umiwas, still veering toward me. I was forced to brake and steer to the left para di nya ko tamaan. Yung left side wheels ko were already running sa gutter.
Nag-overtake na'ko sa kanya sa other side which was wide open, and siguro nakahalata sya na may booboo sya, nagpabagal ng sobra ng takbo. Ayaw nang tumutok sa'kin.
Nakakabadtrip lang kasi sobrang luwag naman ng lane nya at ng lane sa right nya, ewan ko kung bakit nagpipilit sumiksik sa lane ko lalo na't nandun ako. Binusinahan ko na ng ilang beses nagpipilit pa rin. Di man lang umarangkada para maunahan na nya ko, at least di ako naipit.
Ewan ko ba, minsan di ko talaga maintindihan mga drivers dito sa Pinas... haaay...![]()


Reply With Quote
