Ganito ginawa ko minsan sa mga ogag na yan....
Ako yung nasa pinaka-unahan, pansin ko sa likod mga jologs na kids na may kasamang mga chix, syempre pasikat with matching loud music pa nga eh, panay busina eh naka-red pa naman, ginawa ko when the lights turned green, pinatay ko engine sabay turn on ng hazard, labas oto at open ng hood...kunwari nasiraan ako, eh ang mokong di pala marunong mag-overtake, di alam gagawin if punta sya sa left or right, kabado ata. Ayun all the while naka-open hood ko andun pa din sya nakabuntot until the next green saka ko sya iniwan, yabang akala mo kung sino duwag naman pala, para umovertake lang di pa magawa...
