Dead on the spot ang dalawang magka-angkas na lalaki matapos maaksidente sa southbound lane ng EDSA Connecticut sa Mandaluyong City.
Kinilala ni Metro Manila Development (MMDA) "Task Force Takip Silim" deputy Larry Azures ang nasawing motorcycle rider na si Arnulfo Herrera, base sa kanyang driver's license.
Hindi naman matukoy ang pagkakakilanlan ng kasama nito.
Kwento ng isang Ramon Garcia, nagulat na lang siya nang may humarurot na motorsiklo sa kanang bahagi ng kanyang kulay beige na Toyota Altis.
Tumalsik umano ang back rider ng motorsiklo, nawalan ng kontrol at saka sumemplang malapit sa pader ng MRT.
Ganito rin ang salaysay ng isa pang nakakita na si Joel Mendoza.
Sinasabing si Herrera lang ang may suot na helmet at wala ring plaka ang motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.