Nagpunta ako sa isang gas station for a change oil. 8AM ang open nila so as early as 7AM nandun na ako para ma-una na. I was hoping to be first in line para matapos ng maaga at makareport pa to work by 9AM since may meeting ako ng 9AM. Pagdating dun una nga ako.
Around 730AM may dumating na pulis (but not police car). We just waited til 8AM. Nung nag8AM kinausap na ni pulis yung mechanic and sumenyas na si mechanic na ipasok yung auto nya. So lumapit na ako sa mechanic at sinabi, "boss, first come, first serve di ba? 7AM pa ako dito e." So ako na inasikaso ni mechanic. Sabi naman ni pulis, "pasensya na, emergency lang, mapuputol na clutch cable e."
So ako pa ang parang guilty all the time na ginagawa auto ko.