New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 16 of 16
  1. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    705
    #1
    Just Received a mail from wifey and came this news from her., Binasag window sa driver side ng Vitara and she found out car stereo is missing and A/c vent was broken as well,,Car is parked sa tapat lang ng bahay at wala kasi garahe and Car is covered and my wife believed it happen during the night,,malakas ang loob ng gumawa nito na kahit maraming taong dumadaan sa lugar namin.Incident is reported both sa Barangay and local police,pasensiya na at dito ko lang muna ilalabas ang sama ng loob at wala din akong magawa sa ngayon kundi manggigil nalang dahil nasa work din ako(OFW).may mga tao din talagang ayaw mabuhay ng parehas at namimirhuwisyo pa ng iba and warning na din sa mga fellow tsikoteers,,sa mga taga Baguio peeps ingat kayo diyan!

  2. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #2
    Quote Originally Posted by spearhead_970 View Post
    Just Received a mail from wifey and came this news from her., Binasag window sa driver side ng Vitara and she found out car stereo is missing and A/c vent was broken as well,,Car is parked sa tapat lang ng bahay at wala kasi garahe and Car is covered and my wife believed it happen during the night,,malakas ang loob ng gumawa nito na kahit maraming taong dumadaan sa lugar namin.Incident is reported both sa Barangay and local police,pasensiya na at dito ko lang muna ilalabas ang sama ng loob at wala din akong magawa sa ngayon kundi manggigil nalang dahil nasa work din ako(OFW).may mga tao din talagang ayaw mabuhay ng parehas at namimirhuwisyo pa ng iba and warning na din sa mga fellow tsikoteers,,sa mga taga Baguio peeps ingat kayo diyan!
    bro spear, sori to hear that... di bale ipasok mo na lang sa insurance. ewan ko ba parang dami na ngayon insidenteng ganyan dito sa baguio. bakit hindi ba gumana ang alarm mo? kailangan na sigurong kumuha na ng covered parking slot para sa peace of mind.
    kahit dito sa amin wala pang 1 week ang nakalipas sabi ni esmi ay yung naka park malapit sa amin na CRV - binasag din ang salamin sa passenger side tapos kinuha din ang HU. lakas talaga ang loob ng mga yan kasi retired military man ang may-ari ng bahay.

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #3
    kakakungkot at nakakagigil yan. lalo't malayo ka alam ng mga ul*l na wala ka magagawa. nagnanakaw na naninira pa

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #4

    Bro.,- mukhang talamak iyan sa Baguio City. Ang isa naming kasama, binasag din ang salamin ng kanyang kotse sa loob mismo ng compound nila (not a public parking space) at kinuha ang kanyang car stereo.... Nangyari ito last December lang... Sabi niya,- "dahil marami nang dayo sa lugar"

    Kaya kami, noong umakyat sa Baguio first week of January,- hindi ko maiwanan ang sasakyan sa public parking hangga't maaari... Mahirap ng umuwi ng may nangyari sa sasakyan mo, katulad niyan,- basag ang salamin....

    Ingat lang tayong lahat....

    5303:burp:


  5. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #5
    Kahit may garahe pinapatulan pa rin, like in my case a few years back. Basag salamin pero narinig namin dahil we were awake na di niya siguro alam (5AM na), kumaripas na lang ang loko pero buti wala nakuha.

    Sorry to hear, insurance mo na lang idaan that's what they're for. Good luck I hope you find a more secure space to park in.

  6. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    705
    #6
    Quote Originally Posted by Gumusut_Amige View Post
    bro spear, sori to hear that... di bale ipasok mo na lang sa insurance. ewan ko ba parang dami na ngayon insidenteng ganyan dito sa baguio. bakit hindi ba gumana ang alarm mo? kailangan na sigurong kumuha na ng covered parking slot para sa peace of mind.
    kahit dito sa amin wala pang 1 week ang nakalipas sabi ni esmi ay yung naka park malapit sa amin na CRV - binasag din ang salamin sa passenger side tapos kinuha din ang HU. lakas talaga ang loob ng mga yan kasi retired military man ang may-ari ng bahay.
    oo nga kailangan na talaga ng secured parking slot now a days,,minsan kasi naka silent yong alarm dahil pinapasok ng pusa don sa engine bay at maingay sa gabi at nakakaistorbo din sa mga kapitbahay,.
    sapalagay ko ay iisang tao lang gumawa nito at sa insidente sa lugar nyo at may suspect na din kami at may mga nakakita don sa tao na yon before na mangyari yong sa auto ko,,at dati na din niyang trabaho yong pagnanakaw noon pa at kalalaya lang din niya galing sa kulungan according sa mga sources ni esmi,.at hindi nakapagtataka na sa pagbabalik laya niya ay may incidenteng ganon at hindi lang auto ko ang ninakawan kundi pati side mirror ,etc sa sasakyan at mga motorcycle ng kapitbahay ay ninakawan din,.matindi talaga ang mangangailangan ng taong yon at ginawa pang pakyawan. nakakagigil...Ingat nalang tayo,at di bale hindi lahat ng araw ay pasko..

  7. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,218
    #7
    Sorry to hear what happened. Madami talagang gago kahit nuon pa.

    Mahirap din kung walang manakaw sa kotse, tulad ng nangyari sa kotse ng kaibigan ko na taga-Hillside. Nung walang makuha sa loob ng kotse dahil pull-out yung stereo, ang ginawa ng gago nilaslas yung apat na gulong ng kotse niya.

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #8
    Sad to hear your story bro. Try installing an alarm and next time kung makabili ka na ng bagong stereo tanggalin na lang ang cover. Dami na talagang mga ogags sa atin kasi.

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    25
    #9
    sad to hear that. san palang part ng Baguio nangyari?

    OT: Delta Comm ka pala, bro ko Delta Comm rin sa Baguio.

  10. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #10
    ano ba yan pati sa baguio may tumitira!

    deym!

  11. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    705
    #11
    Quote Originally Posted by dy2energy View Post
    sad to hear that. san palang part ng Baguio nangyari?

    OT: Delta Comm ka pala, bro ko Delta Comm rin sa Baguio.
    Maraming salamat sa mga input dito sa naging case kung,,kahit dito man lang sa goon squad/tsikot ay nakakabawas na din ng sama ng loob
    Along magsaysay ave, lang nangyari to..
    bro dy2energy anong name ng bro mo sa baguio na delta comm member?

  12. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    705
    #12
    Grabe talaga yong magnanakaw na yon at bumalik daw at isinunod naman dalawang sasakyan ulit ng dalawang kabarangay at ganon na ganon din ang ginawa,binasag ang bintana at tinangay anf HU.sapalagay ko lang pag nahuli yong gumagawa nito ay baka hindi na nila bubuhayin pa ng mga tao sa barangay,.ang hirap din talaga minsan pag may mga taong walang magawa sa buhay or ayaw mabuhay ng parehas,nakakagigil

  13. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    760
    #13
    Mag install cguro ng separate alarm sa garahe. Un mga motion detector.

    Un mga car alarms naun d protected sa mga binabasag ang salamin.
    Last edited by hominid; February 16th, 2008 at 09:57 AM.

  14. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #14
    it was happened to me 5yrs ago, sa may batangas naman nangyari. ninakaw din yung head unit ko pero hindi nila binasag ang salamin ko, malupit nga lahat ng laman ng sasakyan ko kinuha even yung mga pirated/burned cds, perfume, car freshener, personal kit (toothbrush, shampoo, etc).. siguro may sari-sari store yung magnanakaw na yun.. bad thing wala pang alarm yung sasakyan ko nun.

  15. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    52
    #15
    sad to hear that... may mga ganun talagang tao sa mundo at masa may malala , anyway may karma naman un! saka pasalamat n lng din at hindi na carnap... ingat na lang satin!

  16. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    125
    #16
    Sana maka-imbento ng kotse na kapag may humawak ng ibang kamay(kumbaga kamay lang ng may-ari) sa auto makukuryente! :D Maski sa US sabi ng friend ko talamak din ang mga nakawan, doon mas mabilis kumilos ang mga magnanakaw. tsaka carnap kadalasan giangawa doon, tapos pagkita mo sa kotse mo parang ginahasa.

Car Stereo Stolen on may Car!!