Originally posted by krscla Del Carmen Bus No. 707
Sa NLEX kasi araw-araw traffic ngayon dahil sa dami ng ginagawa at dami narin ng sasakyan. Itong lokong ito eh sa emergency lane dumaan para makauna. Ayun, halos makalas yung bus dahil sa laki ng mga lubak sa lane na iyon.
Hindi narin siguro siya nakatiis sa tagtag kaya pinilit niyang bumalik sa tamang lane. Hehe, sinalaksak ba naman niya eh trailer!?! Ayun, gumasgas ata si kolokoy.
Sunod naman niyang sinalaksak eh ako. Aba, neknek mo! Hehe. Ang tigas din ng mukha ni loko at sinabayan akong magaccelerate baka sakaling prumeno ako ng malayu-layo sa bus sa harap ko at makasalaksak siya. Ayun, tumalbog si loko sa lubak na hindi niya napansin dahil sa katangahan.
Hindi ba talaga sila nagiisip by nature? Eh nauna pa ako sa kanya kahit na dun siya dumaan sa emergency lane eh. Hindi pa nasira sasakyan ko. Belat!!!!!!
:bwahaha:
partly hindi nagiisip...hindi rin naman sa kanila yung bus e kaya ganyan mentality...