New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 8 of 8 FirstFirst ... 45678
Results 71 to 80 of 80
  1. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,542
    #71
    almost, mala-close encounters.

    mga 2 years ago, i was driving sa Holy Spirit QC when this kid na may dalang pedicab who was cruising along my way. The usual, everytime na may lalampasan ako honk ako ng horn, but all of a sudden bigla kumabig yung bata sa kaliwa on my direction....bang! it hit me, basag parklights and gasgas fender ko. yung bata nahulog sa bike. My instinct led to me to help the child, check kung may injuries pero swerte naman at wala. Then I invited pati yung kasama nya na mag-usap kami coz around the block lang yung office ko that time. Sa una hesitant, pero pinilit ko pa din kasi nga guilty ako. I found out na they are scavenging ng mga recyclables, so what I did, kinuha ko lahat ng old newspapers, cartons, bottles, plastics dun sa office namin and I gave to them into their delight. Ayun, palagi na sila dumadaan dun para kunin mga pede ibenta.

    Just this summer, sa hiway ng Calaca in Batangas on my way to Manila. May tricycle na nakahinto sa I need to passby, so busina ako malayo pa lan para alam nya. I was at about 50kph nun, then all of a sudden....bang! may lola na tumawid sa harap ng tricycle, sapul ko yung payong nya and tumupi side mirrors. Stop agad ako to check yung lola, karipas naman ng takbo yung lola at sumakay ng jeep paalis. Tinanong ko yung driver, okay naman daw. Kinabahan talaga ako nun, kala ko yun na! tsk tsk!

    Ingat kayo guys lalo na ngayong panahon at basa ang daan....!

    Ika nga, better safe than sorry!

  2. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    184
    #72
    Malamig ngayon, masarap uminom. Kung iinom, iwan na lang ang sasakyan sa bahay o kaya sa bahay na lang uminom. Siguradong walang madi-disgrasya. Pwera na lang kung ang sasakyang taxi, ay ugok din mag-drive.

  3. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    199
    #73
    i dont think na reason yung lasing ka kaya ka tatakbo...ni hindi nga ako naniniwala sa reason na kasi lasing ka kaya ka nakapang rape...sabihin na nila sasabihin nila...sa tutuo lang may pagkagago na yung taong gumagawa nyan bago pa uminom.

    nalasing na ako nang husto na nakatulog ako sa barangay hall pero di naman ako naging walang hiya or anything..hindi ko lang kayang tumayo at maglakad...dami rin akong kakilalang taong kahit na lasing disente parin at pino.

    maraming tao lang talagang ginagawang excuse yung pagiging lasing...pag nasa presinto na suddenly very sober na...pano nangyari yun?

  4. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,339
    #74
    Ako naman dati pauwi ako, nasamay junction na ako galing ortigas! nag right ako dun sa intersection sa may junction pag right ko nakitako ung isang mama patawid palang so bumusina nako at umiwas nako eh hinde pala napanisn nung mama ung busina ko, ayun ung mamang nag lalakad ang bumangga sa fender ko tas tumalsik sya! tumigil ako at buamaba kami ng dad ko naki to ko may dugo ung forehead nung mama tas nung nilapitan ko biglang nanakbo palayo! so aalis nako dapat dahil wala nanamna ung nabangga ko dahil tumakbo nga! so un paalis nako ng biglang lumapit ung mga tambay dun sa kanto na nakakita ng pangyari, nagagalit sakin at dapat daw mag bayad ako dahil binangga ko daw ung tao eh sabi ko hinde ko kasalanan dahil umiwas na nga ako at ung tao ang bumangga sa side ko, aba ang kukulit talaga kailangan ko daw mag bayad eh tumakbo na nga ung tao pano ko pa babayran! buti nalang at may dumating na pulis at kakilala ni erpats ung dumating na pulis!
    ang kukupal talag nung mga tamabay dun hinde naman sila ung bingga ko tas sila ung naniningil sakin!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #75
    after kong mabasa ang mga posts, bakit kaya ang mga miron kahit nakita pa na willing naman tumulong ang nakabangga or nakabundol eh mangbubugbog o mangbabato pa...di naman makakatulong sa sitwasyon...sana tumulong na lang sila sa pagdadala sa ospital o kaya magtraffic sa daan para di ma delay ang pagpunta sa ospital...

    kung tumakbo pa siguro ang nakabangga at nahuli eh talagang bugbog ang aabutin nyon...

    awa ng diyos di pa naman ako nakakabundol o bangga ng tao...sayad lang ng kamay o braso sa sidemirror sa mga taong biglang dumidikit sa sasakyan kahit pagkalapad lapad ng sidewalk...

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    4,866
    #76
    grabe yung nakita ko last sunday lunchtime sa SM sta mesa.

    there was an ae101 corolla passing through sa parang basement/underpass area ng said mall, asa likod kami. we stopped in front of the pedestrian lane kasi nga ped lane eh mukhang may mga tatawid. the corolla stopped after the lane, one guy sa likod ng car goes down, asks if the basement parking to his exact right eh entrance/exit, the guard says yes, so the guy boards the car, and the old guy driving starts backing up para makapasok.

    sa kasamaang palad, eksakto na may nauna nang guy with 2 kids (boy and girl, i believe panganay yung boy) who was already crossing the pedestrian lane when the reverse light ng corolla goes on and the car starts backing up.

    ayun, natamaan niya yung 2 kids na halos lumusot na sa likod ng kotse if the dad didn't pull the kids away. in anger, the dad kicks the right rear portion ng bumper ng car, and has a word with the old driver.

    too bad i forgot na the car's license, pero the dad kasi didn't wanna continue anymore and just went into the mall na.

    hayyy, dami talagang tangang driver. i was wasted that time kasi antok ako pero nagising ako nung nakita ko yun.

  7. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    1,311
    #77
    Dati nung bata ako I was biking (mountain bike) sa subdivision namin, tapos I hit a maid. Hehe, nakatingin kasi ako pababa, nde ko alam na may tao pala kaya yun.

  8. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    2,372
    #78
    Boss sang baba k ng made nakatingin? heheheh peace, OT lang and ice breaker, kasi ganda nitong thread n ito, pero sana please post na din mga streets na sa tingin natin eh medyo hazardouz(in terms of accident, kotong boys, rugby boys, etc.etc.)

  9. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6
    #79
    some 3 yrs back, also on my mountain bike going at 25kph (I have a speedometer), may biglang tumawid dalawang bata, galing sa lane ko, kaya lang biglang umatras yung isa nung may nag-overtake na jeep sa akin. Mga 2 meters nalang ako nung biglang umatras siya kaya natamaan ko pa rin kahit umiwas ako. Mabuti lang at bumagsak siya sa shoulder ng road, hindi sa gitna. Nakatayo naman siya kaagad pero na-notice ko na na-shock siya at di makapagsalita initially. Nung kumalma na, tinanong ko kung saan sila pupunta, sasakay daw ng jeep para umuwi sa kanila. Mga 8 yrs old siya, kasama niya kapatid niya na 6 years old. Iniwan ko na bike ko sa isang tindahan ang sinamahan ko sa kanila, mga 10 km pa ang layo galing sa scene. Sinundo namin parents niya tapos dinala namin sa ospital. Mabuti lang at walang fracture, pasa lang. Nag-iwan nalang ako ng pera pambili ng gamot.

    Naawa ako sa mga bata pero inis na inis ako sa parents, hinayaang bumiyahe ng walang kasama mga anak nila.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #80
    ako muntikan na 2 times.

    first, intentional hahahahaha! i was driving sa tarlac goin to pangasinan, kia pride pa kotse ko nun (1991). fully loaded with 5 adults and luggage. naglalatag ng asphalt rock dun sa road tapos bigla umulan, so sobra dulas. i was going at 50 kph only tapos may blind corner, ayun bigla meron farm tractor na may plow sa harap ko, saka may kasalubong din naman sa opposite lane at dun sa shoulder (gravel shoulder lang) meron nagba-bicycle. i stood on the brakes kaso sobra dulas nag skid na kami. e tatama na talaga sa tractor so sabi ko yun na lang nagba-bike ang tamaan ko isa lang ehehehehe! so nilabas ko sa shoulder ang car, awa ng lintek kumapit yung tyres sa gravel, ayun "bump" yung rear ng bicycle! muntik matumba si pogi, tingin sa amin tawa pa siya. open ko window sabi ko pasensya na at sya napili ko patayin that day ehehehehe! tawa siya ulit, ok lang daw nyehehehehe!

    2nd time yun talaga nanga-way ako. dyan lang sa likod ng sm sa bago bantay, was going very slow mga 35 kph lang. tapos meron naka-park na jeep sa right side e bigla po may lumabas na baby stroller dun sa other side the jeep! anak ng jueteng syempre kabig ako sa left side at tapak sa brake sagad. muntik na din ako mabangga ng oncoming tricycle. baba ako, yung tricycle driver baba din galit din siya, di sa akin kundi dun sa nag-push ng stroller. e anak talaga ng jueteng yung baby siguro mga 2 months old lang. minura ko yung babae na nag-push ng stroller syempre, pati yung mga stand-by dun pinagalitan siya. tapos di pala nya anak yun kapitbahay lang siya. labas yung nanay ng bata sinabunutan ang bruha ehehehehe!

Page 8 of 8 FirstFirst ... 45678
Ever hit a person?