New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 12
  1. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #1
    Just want to share my experience yesterday (sunday)..

    Normal way home from Quiapo via A.boni, the road is almost clear since its a sunday, just when you thought nothing could go wrong, here comes this silver Innova J na wala pang plaka (Toyota Dagupan nakalagay) na eeksena..

    I was climbing up the balintawak cloverleaf to monumento when suddenly this Innova just zoomed past my right side, barely hitting the car, grabe buti di ako natamaan, talagang pinang-pina niya..ang nakakapagtaka bago ako umakyat ng cloverleaf walang sasakyan sa likod or gilid ko, kakatingin ko lang sa rear-view at side mirrors, sabay ganito bigla..

    Noong nakaakyat na ako ng cloverleaf, todo harurot pa rin ang loko-loko, yun pala eh hinahabol ng isang QC enforcer, napahinto naman niya 'to at huminto rin kami saglit lagpas ng konti sa Innova pero di na kami bumaba, sabi ni bossing enforcer kanina pa raw siya tinakbuhan neto sa 7th ave.. ayun, hinuli niya at balak kaming kunin as witness, pero di na pumayag dad ko dahil baka member ng sindikato yung driver at pati kami mapahamak..

    Be safe to all..kung may plaka na yun ipopost ko dito kaso Toyota Dagupan lang ang nakalagay..silver Innova J, di ko na nakita kung D4D or VVT-i..kinabahan na kasi ako dahil this is the first time that this happened..

  2. #2
    ingat ingat lang parati. hehe

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #3

    Walandyo,- mukhang mahaba-haba rin ang tinakbo ng mokong na ito bago napatigil.... Ano kaya ang violation nito?

    8800:juggle:

  4. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #4
    Minsan kasi madalas natin makita simple violation lang at hindi akalain may hahabol at masama nito baka makaaksidente at makapagdamay ng iba. Hindi na kailangan kumuha ng witness ang enforcer kung may violation. Madalas nga kahit wala tayong violation hahanapan tayo.

  5. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #5
    kapag may violation at pinara ka ng enforcer, dapat tumigil ka. dahil kung tinakbuhan mo tapos ikaw ay nahabol, aba eh siguradong wala ka nang lusot. another violation ang pagtakbo.

  6. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    4,078
    #6
    Isa pa alam ko kung wala pang plate number ang sasakyan mo hindi mo pwedeng itakbo sa kalsada. At takaw sita kasi baka ninakaw iyang sasakyan o ginamit sa pagnanakaw.

  7. Join Date
    May 2009
    Posts
    564
    #7
    Ano na nga ba nangyari sa "no plate, no travel" (?) policy na yan? Lifted na kaya? Ang dami ko na nakikitang tumatakbo na walang plaka ngayon e.

  8. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    478
    #8
    Quote Originally Posted by praetor91313 View Post
    Ano na nga ba nangyari sa "no plate, no travel" (?) policy na yan? Lifted na kaya? Ang dami ko na nakikitang tumatakbo na walang plaka ngayon e.
    No plate No Travel still implemented...but we can still used our new ride for 7 working days starting from the date of purchase. Kung may sisita eh ipakita lang yong official sales invoice as proof na bago un sasakyan. Kaya maraming walang plakang sasakyan kse maraming pambili ang mga pinoy...

  9. #9
    Quote Originally Posted by praetor91313 View Post
    Ano na nga ba nangyari sa "no plate, no travel" (?) policy na yan? Lifted na kaya? Ang dami ko na nakikitang tumatakbo na walang plaka ngayon e.
    ahaha, di ka pa nasanay sa bansang ito!? a pilipinas, kahit bawal pwede basta may pera ka at power! ahehe

  10. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #10
    Mabigat bigat siguro ang violation nito. Kasi kung hindi naman, pababayaan na lang ng enforcer at hindi na magaaksaya para habulin ito.

    Baka naman carnapped iyan.

Page 1 of 2 12 LastLast
escaping Innova almost sideswiped me