Results 181 to 190 of 518
-
September 1st, 2014 12:11 AM #181
Flight is a sign of guilt and will be an aggravating circumstance against the wife.
-
September 1st, 2014 12:18 AM #182
^Walang sinabi sa TV kung nahuli
Nakahanda na daw yung P1M na pabuya ni Duterte
News5 Everywhere - ASAWA NI ENZO PASTOR, NASA 'PINAS PA; DUTERTE, HINAHANDA NA ANG P1M PABUYA
ASAWA NI ENZO PASTOR, NASA 'PINAS PA; DUTERTE, HINAHANDA NA ANG P1M PABUYA
AKSYON | Kinumpirma ng Bureau of Immigration na nasa Pilipinas pa si Dahlia Pastor, ang asawa at suspect na rin ngayon sa pagkamatay ng car racer na si Enzo Pastor. Hinihintay na lang ng Philippine National Police (PNP) ang warrant of arrest para hulihin siya. Samantala, nag-alok naman ng tulong na isang milyong pisong pabuya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte para sa ikadadakip ng mga suspect.'Gunman' inilaglag ang misis ni Enzo Pastor
(Pilipino Star Ngayon)
MANILA, Philippines — Lalong tumitibay ang suspetsa ng mga awtoridad na may kinalaman ang misis ng pinaslang na race car driver na si Enzo Pastor dahil sa mga salaysay ng umano'y gunman.
Sinabi ni Chief Inspector Rodel Marcelo, pinuno ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, na inamin ng gunman na si Police Officer 2 Edgar Angel na alam ng misis ni Pastor na si Dalia ang planong pagpatay sa asawa.
"Nagkaroon ng isang pagkakataon na noong nag-usap si Sandy at si Egay (Angel) sa loob ng sasakyan ay kasama itong si Dalia at nagkaroon ng pagkakataon din si Egay na makaharap itong si Dalia habang pinag-uusapan 'yung plano ng pagpatay," wika ni Marcelo sa kanyang panayam sa dzMM ngayong Biyernes.
Tinututukan ng mga awtoridad ang anggulong may “love triangle” sa kaso, kung saan hinala nila ay may relasyon si Dalia sa umano'y mastermind na si Domingo de Guzman.
Nasakote nitong Martes sina Angel at De Guzman, habang nagtatago pa rin si Dalia na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.
Nauna nang sinabi ni Angel na binayaran siya ng P100,000 ni De Guzman upang itumba ang race car driver.
Sinabi pa ng umano'y gunman na nais iligtas ni De Guzman si Dalia mula sa pambubugbog ng asawa.
"Kasama sa salaysay ni Egay na allegedly may ipinakitang litrato sa kanya itong si Sandy na litrato ni Dalia na may mga pasa sa katawan at diumano binubugbog nitong asawa niya na si Enzo," banggit ni Marcelo.Last edited by _Cathy_; September 1st, 2014 at 12:25 AM.
-
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,514
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,514
September 1st, 2014 12:58 AM #185
-
September 1st, 2014 01:02 AM #186
Yung unang report sabi Caliraya, Quezon. Pero ang alam ko sa Laguna ang Caliraya. Ano gagawin niya sa Caliraya? Mag water sports
Two years na pala iniiputan sa ulo si Enzo, paano niya natiis yun.
Naniniwala na ata ako na few men leave their wives who had an affair.
-
September 1st, 2014 01:05 AM #187
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,514
September 1st, 2014 01:37 AM #188
-
September 1st, 2014 01:38 AM #189
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 3,754
September 1st, 2014 03:03 AM #190
Buhay na buhay ang BGC this evening. Bukas halos lahat ng restaurants. Sabi pa nung isang cashier...
Traffic!