Share ko lang mga sir last sunday Dec. 18, 2011 1:30 am along quirino hi way papuntang novaliches bayan binangga kami nitong mokong nato yung driver kamuka ni dinky doo yung komedyante. nung una nga akala ko talaga sya yun kasi kamukang kamuka eh kulot at mataba din.
so ganinto story pauwi na kami with my wife. approaching tullahan bridge mabagal lang takbo ng mga sasakyan biglang may bumangga sa likod ko. then baba ako para tignan ang damage ng sasakyan namin nakita ko may dent sa back bumbper 3 sya mga size ng 25 cents at nabakbak yung pintura. so pinuntahan ko yung driver
Ako: sir paano ho gagawin natin jan?
Dinky Doo Look Alike: alin?
Ako: Nabangga nyo ho ako
Dinky Doo Look Alike: Nabangga ba kita?
Dinky Doo Look Alike: malaki ba maliit?
Ako: Maliit lang kung gusto nyo pagusapan nalang natin para walang abala (naisip ko singilin nalang maski 1k para di na abala sa amin since pagod kami ni wifey)
at this point hindi ko pa napapansin na lasing yung driver kasi nakatayo ako sa labas ng kotse nya at sya nasa loob. akala ko maangas lang talaga magsalita
Dinky Doo Look Alike: Oh magkano gusto mo?
Ako: sir bayaran nyo nalang ako ng 1k ipapapintura ko pa yung kotse
Dinky Doo Look Alike: isang libo? tssss...
Dinky Doo Look Alike: malaki ba maliit?
Ako: tignan nyo ho at bumaba kayo. (mataas na boses ko nito kasi mga 5 beses nya ata inulit yung tanong nyang malaki ba o maliit?)
Dinky Doo Look Alike: (ayaw bumaba ng sasakyan nya) kita ko dito o wala naman
Ako: e ano hong gagawin natin jan?
Dinky Doo Look Alike: ikaw ba pag naka bangga ka babayaran mo?
Ako: oo kasalanan ko yun eh
Ako: ano ho ba babayaran nyo ho ba o mag pa police report nalang tayo
Dinky Doo Look Alike: pa pulis mo nalang! sige tumawag ka
-dito ko na notice na amoy alak sya kasi medyo lumapit ako sa kanya eh
Ako: sir lasing ata kayo eh
Dinky Doo Look Alike: bakit may problema ka? ha? ano ka ba? anong gagawin mo sakin ha?
Ako: sinasabi ko lang, bawal mag drive ng lasing
Dinky Doo Look Alike: anong bawal? ikaw ba pag nakainom ka di ka mag ddrive?
Ako: hindi ho ako nag ddrive ng lasing responsable akong tao.
So pumunta ako sa harapan ng kotse nya para picturan yung plate number nya biglang umatras ng mabilis si mokong at mukang tatakbo na nga so ako hindi ko na hinarang baka sagasaan pa ako. naabutan ko sya sa stoplight ng novaliches bayan pero naisip ko hindi na worth it kung susundan ko pa baka may baril din o ano. mahirap na chaka walang pulis non sa stop light kaya hinayaan ko na.
Kung kilala nyo yung driver or nababasa nya to. ingat sa daan sir wag mag ddrive ng lasing buti kung ikaw lang maaksidente e kung ikaw makasakit paano na?


Reply With Quote

