New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 47
  1. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    683
    #1
    Hi tsikoters!
    Just want to know if somebody is a relative of this Political figure.

    Just this morning, my mom was driving our pick up (94 L200) together with my younger brother along quirino district in Quezon city. since rush hour, traffic ang aurora blvd. maraming sasakyan ang dumadaan sa loob ng proj 3. marami ang dumadaan dun sa route na yun. (though ordinary route lang namin yun papunta City hall). my mom was driving fine and nagstop siya dahil nagstop yung nasa harap niyang jeep. Then suddenly, BANG! umurong paabante pick up namin. bumaba mom ko ang kita namin na BUMANGGA ang isang corolla AE101. ang nagddrive e isang nasa 30's na babae. Bumaba ang isang mama dun sa corolla at pinagpipilitan na kami ang may kasalanan. WTF! ang KAPAL NG MUKHA! at sabi pa na APo ni *** (mayor sa metro manila) yung nagdrdrive. S#3+! eh ano ngayon kung apo siya nung mayor?!? may kinalaman ba ang pagddrive niya sa pwesto nun lolo nya! Yung mom ko, malamig lang ang ulo, yung brother ko hindi. Kinontest ng mom at kapatid ko na sila ang may kasalanan kasi nakahinto kami ng tama since nakahinto ang nasa harap namin. Saktong may dumaan na pulis at inusisa ang nangyari. eto ang maganda, ang pambungad nung mama e APO SIYA NI MAYOR ***. Binangga daw sila ng Mom ko. S#3++++!!!!! binaligtad ang nangyari. Puro name lang nung mayor ang narinig nung mom ko sa sinasabi nung mama dun sa pulis. Kamot ulo naman yun at sinuggest ng pulis na sa kamp karingal na lang magusap since sobra na ang traffic.

    Sabi pa nung mama, kung pwede daw isakay dun sa pick up namin yung mga bata na kasama nila, pagtingin ng mom ko, 9 sila sa corolla.. WTF!!!!!! 9 sa loob ng corolla! no wonder nabangga yung pik up namin! Sabi na lang ng mom ko, hindi pwede. hello??!!! ang kapal na nga ng mukha na kami ang pagbintangan, biglang hihingi na pabor..

    Nung hiningi yung license ng mom ko, di niya binigay. wala naman kasi siya kasalanan e. dapat nga kami ang magdemand. Unfortunately dun niya nalaman na hindi pala dala ng mom ko yung license nya. (galing sa bakasyon e). ayun, no choice but pumunta sa police station (kamp karingal)

    Yung mom ko, pinauwi muna nya yung kapatid ko sa bahay para kunin yung license. ako naman, tinawagan nya para iassist yung kapatid ko. (night shifter kasi ako). kami ng kapatid ko, kinuha namin yung license (from antipolo) ng mom ko at susunod na lang kami dun sa station. along the way na kami ng tinawagan kami ng mom ko at sinabing magkita na lang kami sa bahay ng kamaganak namin malapit sa area. pagdating sa bahay ng tita ko, eto na yung version nung mom ko dun sa nangyari sa kamp karingal...


    Pagdating dun, dun lang nagsalita yung babae. Ay sus! APO SIYA NI ***! yung ang bukang bibig nya. Pilit nyang sinasabi na kasalanan ng mom ko kasi huminto daw kami. di raw kami nagsign na magtturn right yung mom ko... etc.etc.etc... talo lang ang mom ko kasi hindi nga nya dala ang license. nagdemand na lang yung babae na bayaran siya dahil sa damages... since mabait ang mom ko, eto sabi nya... "eto 3 thousand pangpaayos dun sa kotse mo. 3 thousand lang din pala yung konsensya mo, yung 3 thousand, kikitain ko yun, eh yung konsensya mo, kinikita ba yun". ayun talak to the max ang babae. yung pulis, di na pinansin ng mom ko


    Yung details ng car, yung babae at mama, ippost ko tom. bukas pa lang makkwento sa akin ng mabuti ng mom ko e.

    To the relatives of Mayor *** (mayor sa metro manila), Please do advise this relative of yours na ang pangalan ng kamaganak nyong politician niyo ay dinudungisan niya. Ang lakas ng loob niyang baliktarin ang eksena just to escape her liability. Fortunately for us, bengkong lang sa bumper namin. pwede tanggalin. yung kanya, basag ang headlights at bumper. Yung mom ko, gov't employee yet she never use is to her advantage. Maswerte na po siya at di ko siya naabutan, kung hindi, baka dun siya nakatikim ng matinding reverse psycho at psy war. Sayang name ng kamag anak niyo kasi nirerespeto namin siya. To think, dati nagpakulong siya ng kamaganak kasi napatunayang drug pusher/user yun.

    Fellow tsikoters, thanks for reading. yung update, ippost ko tom.

  2. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    137
    #2
    mayor ba ng maynila yan?

  3. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    683
    #3
    basta sa maynila. but your guess is as good as mine

  4. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #4
    nalaman pa ba nila na walang lisensya si mommy mo?

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #5
    Dapat di kayo nagbayad kasi lalong lalakas loob ng mga bwiset na salot na yan payo ko kalat mo sa net yan para makaganti ka lagay mo full name nila pati para iwasan yang mga ganyang klaseng tao
    Last edited by shadow3616931; June 8th, 2010 at 05:27 PM.

  6. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    814
    #6
    kung manila mayor nga yan, sayang apelyido nila. gustong-gusto siya ng taga-maynila. nasuka na kay A*****a.

    anyway, ok na rin ang 3K para na rin makalusot sa "driving w/o license" violation. sana maging aral na rin yan for your mom to always bring it with her whenever she will drive a car. and kayo rin na mas nakababata, try to remind nalang para sigurado.

    ganyan talaga tactic ng mga yan. uunahan ka sa galit. gugulpihin ka sa gulat. just hold your ground. pag may evidence naman, titiklop din yang mga yan kasi alam nila sila ang mali. you should have just secured the evidence, photos of the vehicles, positions, sketch, police report, etc.

  7. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    683
    #7
    *holden: yata. kasi ganun na ang nangyari e.

    *shadow: mabait kasi si mom. ako at yung kapatid ko, hinde. Kaya nga po nagpost dito para kung may kamaganak si Mayor *** dito, masabihan man lang yung NAKABANGGA sa amin. Kung gusto nila, pwede ko sila harapin. Di kasi ako takot lalo na at alam kong wala kaming kasalanan

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #8
    Ganda naman ng pangalan ng Mayor na yan....3 asterisks.

    Di ba pwedeng pangalanan yan?
    Last edited by chua_riwap; June 8th, 2010 at 06:25 PM.

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #9
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Ganda naman ng pangalan ng Mayor na yan....3 asterisks.

    Di ba pwedeng pangalanan yan?
    No need na, obvious naman eh. :obvious:







  10. Join Date
    May 2008
    Posts
    589
    #10
    You should have dared him to call her lolo. LOL! Malamang naninindak lang yan and is not really connected to any politician.

Page 1 of 5 12345 LastLast
Dropping of political names to escape liability!!!