Gulatan lan yan sa TE, pag ikaw ang unang nagulat iisipin ng TE na hindi mo alam, kung talaga naman na hindi mo alam ang una mong isagot sa TE ay "Boss ticketan mo na lang ako". Wag ka magbibigay ng pera, ginawa sa akin yan sa recto ng masita ako, hinamon ko na bigyan ako ng ticket, nun maramdaman na hindi ako magbibigay ng pera sinoli license ko at pinaalis na lang ako.