
Originally Posted by
shadow3616931
Nangyari na sakin yan, naki parada lang sa mga slot namin stepping on the line pa ginawa ko dinikit ko parking ko sa kanya para di sya makapasok sa driver side yun nakita ko passenger side sya pumasok.
Sa banko naman merong gunggong na pumarada sa gitna ng linya so wala ako maparadahan 2 slot dapat naging kanya lahat, tinanong ko yung guardya bakit di nyo pinaayos parada nya "oo nga sir di namin namalayan" tapos nakiparada lang pala di sya customer ng bangko, ginawa ko hinarang ko para di makalabas. So pumasok na ko sa bangko para makipag transact. Parang napansin ko dumating na yung gunggong aba e di ako lumabas pinag hintay ko tinagalan ko pa nga nakipag chika-chika pa ko sa branch manager. Hanggang umalis na yung isang katabi saka lang sya nakalabas pero pahirapan.