New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 254 of 606 FirstFirst ... 154204244250251252253254255256257258264304354 ... LastLast
Results 2,531 to 2,540 of 6054
  1. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #2531
    Just wanna rant about these parking idiots...

    Sayang hindi ko napicturan. Last month kasi nagpunta kame sa Libis at nagpark sa covered multi-layer parking. Nakahanap ako ng corner slot, actually yung 2 slots na katabi ko ay puro bakante. Sinagad ko yung car ko sa may gilid para malaki space ko between the adjacent car since corner slot naman yun wala ako mapeperwisyo sa passenger side, paatras kasi ako nagpark.

    Ngayon pagkatapos naming kumain, bumalik ako sa car para kumuha ng yosi, nakalimutan ko kasi, ngayon may nakapark na sa tabi na tucson, bagong labas pa dahil wala pang plates. AYSUS...sobrang nakakabadtrip, sa akin pa tumabi at pasok na siya sa lane ng slot ko. Puro babae sakay pati yung driver ay babae rin. Kakapark pa lang ata nila dahil hinihintay na lang nila yung driver nila. Nagparinig ako, ang sabi ko "ANG GAGANDA nyo TANGA-TANGA naman magpark." Narinig siguro ako nung driver na babae. Ang sabi sa akin eh " Do you have a problem?" Sabay tinitigan ko mata niya, pero wala naman akong sinabi pa tapos sabay tingin ako dun sa lane na iniisip ko ay sana ma-gets niya yung sinasabi ko.

    Ngayon, kuniha ko na yung yosi ko sa kotse, sa passenger side ako dumaan kasi ang liit ng space ko sa driver side sabay alis. Pero nung medyo malayo na ako sumilip ako nakita ko kinausap ata nung isa nilang kasame yung driver nila, tapos pumasok yung driver at inayos yung pagka-park niya.

    Kaya naman pala mag-park ng maayos eh hindi pa ginawa on the first try. O siguro kailangan lang mapahiya yung ibang driver para matauhan sila sa perwisyo na ginagawa nila sa kapwa nilang driver.

    I'm not a perfoect driver although I always make sure na pag nagpapark ako eh wala akong napeperwisyo. Nagdadalawang isip tuloy ako kung eenroll ko pa misis ko sa driving school o ako na lang magtuturo para maitama ko yung mga mali. Para sa akin kasi, sionce nagsulputan yung mga driving school na yan eh parang lumalala pa ang quality ng pagmamaneho ng mga NOOBS.

  2. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    1,488
    #2532
    Quote Originally Posted by dfopiso View Post
    kung merong instruction, sunod ako; pero pag wala, i prefer backing kasi feeling ko mas safe and mas mabilis makaalis paglabas
    Lalo pag pickup o van, pag facing the wall, naka protrude yung likod nya sa driveway pag may wheel bump yung parking.

  3. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    1,488
    #2533
    Quote Originally Posted by erick_214 View Post

    I'm not a perfoect driver although I always make sure na pag nagpapark ako eh wala akong napeperwisyo. Nagdadalawang isip tuloy ako kung eenroll ko pa misis ko sa driving school o ako na lang magtuturo para maitama ko yung mga mali. Para sa akin kasi, sionce nagsulputan yung mga driving school na yan eh parang lumalala pa ang quality ng pagmamaneho ng mga NOOBS.[/FONT][/COLOR]
    Siguro sir mas tamang mag enroll para malaman ng tamang pagmamaneho at etiquette na rin pag maayos ang driving school. Isa pa pag ikaw magtuturo kay misis, baka mag-aaway lang kayo, hehe. Na experience ko yan.

    Dyan ako napunpundi minsan pag naghihintay ako ng mabakanteng slot, may biglang sisingit.

  4. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #2534
    Quote Originally Posted by erick_214 View Post

    I'm not a perfoect driver although I always make sure na pag nagpapark ako eh wala akong napeperwisyo. Nagdadalawang isip tuloy ako kung eenroll ko pa misis ko sa driving school o ako na lang magtuturo para maitama ko yung mga mali. Para sa akin kasi, sionce nagsulputan yung mga driving school na yan eh parang lumalala pa ang quality ng pagmamaneho ng mga NOOBS.
    Tingin ko sir hindi sa driving schools nakukuha yang mga ganyang attitude ng Noob drivers.. nasa breeding yan.. kung pinalaking inconsiderate sa kapwa yung tao, for sure sa parking pa lang makikita mo na. Hindi rin basta basta maitatama ng driving schools yang attitude na yan ng tao, maituturo ng driving school kung pano tamang approach ng parking pero yung ugali pa rin ng tao ang masusunod kung pano sya magpapark...

  5. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #2535
    Quote Originally Posted by stickers View Post
    Tingin ko sir hindi sa driving schools nakukuha yang mga ganyang attitude ng Noob drivers.. nasa breeding yan.. kung pinalaking inconsiderate sa kapwa yung tao, for sure sa parking pa lang makikita mo na. Hindi rin basta basta maitatama ng driving schools yang attitude na yan ng tao, maituturo ng driving school kung pano tamang approach ng parking pero yung ugali pa rin ng tao ang masusunod kung pano sya magpapark...

    Ang sa akin lang eh kung ano ang itinuro sa tao ay siya ring gagawin ng isang tao. Kung sa simula pa lang ng klase ay itinuturo na nila yan at parati nilang pinapaalala na dapat ganito at ganyan, hindi dapat ganito eh maitatanim sa utak ng kahit na sinong estudyante yan. Nag-inquire ako noon sa mga driving school mayron pa silang 6hours lang eh isa ka ng ganap na driver. I don't think na kayang ituro ang mga dapat sa 6 hours lang, oo matuturuan sila kung paano magpa-andar pero yung tamang paraan eh parang malabo na ata yun.

    Nung pinag-iisipan ko kasi yung curriculum ko para kay misis eh ang estimate ko at least 2 hours a day, at least 5X a week for a month. Sa plan ko pa lang ang dami ko pang naiisip na dapat idagdag. So paano ituturo ng mga driving schools yan sa 6 hours lang
    ?

  6. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    171
    #2536
    Sayang di ko ito napicture-an. Sa parking ng rockwell power plant mall. A pickup and a CRV already hitting each other's rear. I am not sure who's at fault, probably yung pick-up. Paint lang kasi divider.

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    490
    #2537


    eto sa sta rosa last sat

  8. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    67
    #2538
    Eastwood


  9. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    198
    #2539


    3 cars ang dapat makakapark diyan, kasi pinakyaw na niya ang 2 slots... hehehe... ang mahal pa naman sana ng sasakyan niya, kaso di marunong magpark... buti pa yung multicab...

  10. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #2540
    Quote Originally Posted by ali_diego View Post


    3 cars ang dapat makakapark diyan, kasi pinakyaw na niya ang 2 slots... hehehe... ang mahal pa naman sana ng sasakyan niya, kaso di marunong magpark... buti pa yung multicab...
    hirap na hirap pa sya magpark nyan.. tignan nyo nakapaling pa rin yung gulong..

Don't you just love those people who park stupidly?