Mahirap kapag neighbor ang kaaway, lalo na kung sa iyo na ang bahay at long term na ang pagtira mo. Anyway, sa case naman namin ganito:

Bale letter "L" ang magandang description. Harapan namin yung mahabang side, sa neighbor yung maikling side. 2 auto ang kasya sa kalsadang share kami. As you can see, kahit sino samin ang pumarada sa harap, mahaharangan ang isa. Hetong neighbor namin may bagong auto, so para maalagaan ang pintura, naglagay ng tolda. Ang problema, tubo na nakabaon sa lupa ang ginamit para kapitan nung tali ng tolda kaya sumikip yung garahe niya; isa nalang kasya. Saan ngayon napunta yung isa pa niyang auto? Ayun, sa harapan namin pareho. Hindi nga namin dinala lahat ng auto dito para maluwag ang harapan, tapos hinarangan naman niya. Hindi na namin pinatulan tutal ilang months nalang kami dito. Para kwits, maramdaman niyang mali ang ginawa niya at hindi maglakas loob na tabihan pa yung nakaharang niyang auto kapag tinamad siyang ipasok yung isa, pinaradahan namin ng kotse yung space na natira. Mas hirap siya ngayon, kasi hindi lalabas yung isang auto niya hangga't hindi niya inaatras yung isa. Karma nalang sa kanya yun, walang konsiderasyon sa iba kasi.