New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 32
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    536
    #1
    From yehey.com:
    Kahit artista ako, tao pa rin ako na nagagalit kapag inaabuso na ang kabaitan ko.”

    Ito ang pahayag sa amin ni Dominic Ochoa nang usisain namin sa kanya ang isyu ng nanapak siya ng konduktor ng isang bus habang nakaharang ang naturang sasakyan sa SM North sa EDSA.

    Nu’ng nakaraang Linggo lang nangyari ang insidente habang nagmamadali papuntang chapel si Dominic para umatend ng mass. Halos 30 minutes na nakaharang ang bus sa daan kaya walang makaabanteng sasakyan.

    Sa inis ni Dominic, bumaba siya ng kanyang sasakyan at kinausap ang driver ng bus. Hindi ito nakinig sa pakiusap niya at sa halip ay nagbanta pa ang konduktor ng bus na kukuyugin nila si Dominic kapag hindi pa ito tumigil.

    Nang akmang isasara na ng driver ang pintuan ng bus, kaagad na sinuntok ni Dominic ang konduktor. Lumusot ang kanyang kanang kamay sa may salamin ng bus na naging dahilan para masugatan ang kanyang kamay.

    Ani Dominic, napikon na siya sa pagiging abusado at kawalan ng respeto ng bus driver at ng konduktor nito kaya di na niya napigilang makapanakit


    .... TAMA LANG YUNG GINAWA NIYA

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #2
    ok ah, di pala bading si dominique hehehe! saludo ako dyan sir!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    214
    #3
    haha!! tapang ah, lakas lang loob nya kasi lam nya na hindi siya uupakan ng conductor dahil artista siya..

  4. Join Date
    Jun 2003
    Posts
    1,122
    #4
    mali ang news






















    kinurot ni dominic :P

  5. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    1,251
    #5
    nanapak? lang? Those damn bus driver, sama mo na ang kunduktor, dapat ilagay sa ilalim ng gulong nila tapos iatras ang bus.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    6,796
    #6
    pakshyet ka sheep...tawa ako ng tawa dun ah

    hahrharhahrharhar

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #7
    pinikot siguro.. hahaha

    pero hayuf sa diskarte si loko ah.hehehe

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    9,894
    #8
    if that story is true i don't blame him one bit

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,790
    #9
    Dapat tanggalan ng license at ibitin ng patiwarik ang mga driver na ganyan. Abala talaga sa lipunan ang mga ganyan.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #10
    30 minutes nakaharang yung bus?! hmmmmm......

Page 1 of 4 1234 LastLast
Dominic Ochoa nanapak ng conductor ng Bus