Pansin ko lang..pwede ka pa lang sagasaan pag tumatawid ka sa pedestrian lane...nakaka badtrip lang kasi yung may mga kotse pa ang galit halos sagasaan ka na habang tumatawid...
diba dapat priority ang tumatawid?..
AFAIK, basta nakasagasa ng naka-sasakyan ang isang tao na tumatawid sa pedestrian lane, talo sya sa kaso. kaya nga may pedestrian lane e, para tawiran ng tao, at hindi kung saan saan lang tatawid (na hilig gawin ng mga pinoy! Ü).
case to case siguro sa Zebra crossing. Kapag tumawid while on Go ang traffic sa Main Avenue baka sagasaan ka talaga ng mga reckless lunatics. Pero kung mga side street lang naman at hindi hiway, Pedestrians are always the priority. In Singapore, I observed pedestrian when crossing the drivers must stop and give way to crossing pedestrian.
yap priority dapat ...kaso dito sa pinas..daming gagong driver..alam na nilang pedestrian lane hindi man lang
mag slowdown..muntik na ngang masagasaan yung mag-ina
na tumatawid sa may SM gawa nung tarantadong taxi driver
at sya pa ang galit...:mad:
sayang lang yung mga pagpapagawa ng gobyerno sa mga
road sign at pedestrian lane na yan...dahil hindi naman sinusunod....matgal pa talaga tayo aasenso...
correction. dito sa pinas, pagnakasagasa ka ng tao maski sa no crossing or no jaywalking area, ang car owner/driver talo, kasi the police is mandated to file a case against you for reckless imprudence leading to homicide (kung patay ang nasagasaan mo). Kung di namatay, you will have to answer for the hospitalization of the jaywalker. KUng matapang ang mga jaywalker, nagiging matapang din ang mga driver kasi sa sobrang inis nila sa mga jaywalker (aside from the driver na tanga), kaya a lot of drivers do not give respect to the purpose of the pedestrian lane.
So if you feel like a single pin in a bowling lane and the car rushing towards you as a bowling ball trying to spare, with the pedestrian lane's zebra stripes as the bowling alley, yun na nga ang nangyayari!
Last edited by altec; June 10th, 2004 at 11:41 PM.
kahit kelan ang may sasakyan ang laging talo. sad but true. isipin niyo nalang na sana ibang sasakyan nalang ang makapagbigay leksiyon sa mga bobong tumatawid parin kahit Go, jaywalkers, etc.
kaya nga ako pag pedestrian mode, pinapabayaan kong magpreno ang mga sasakyan. medyo daredevil ako e. pag napahinto ko bigla akong tatakbo. pag hindi... hindi pa naman nangyayari, wag naman sana...
i read somewhere, ang pedestrian lane ay parang finish line. kaya ang tendency ng mga uneducated drivers na hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng mga guhit na puti sa kalye, the closer he gets to it, the faster he goes.
kapag medyo mabilis ako approaching a pedestrian lane at may malapit na tumawid, flash and horn na ako...
pero kung marami rami ang tatawid... ayun, stop rin ako...
kakatawa lang eh kapag medyo mabilis ang approach mo sa pedestrian lane tapos biglang hinto eksakto sa pedestrian lane... lahat nakatingin at nakafreeze... parang antelope caught in the headlight syndrome... hehehehe...
Lugi ka pag nasa left-turn lane ka tapos hindi sabay ang green lights for LEFT and GO. In such situations, mag-kukumpulan na yung mga pedestrians sa harap mo. Nag-green na yung left turn lights, hayan...parang mga lemmings na sila tatawid. Pag hinayaan mo silang tumawid, magre-red na yung left turn light at walang makakaliko... mumurahin ka pa ng kotse sa likod mo.
hirap kasi katulad dito sa intersection ng edsa and ortigas, yung mga tumatawid parang namamasyal sa luneta. Go na yung lane ng edsa going north tapos tumawid pa, imbes na bilisan nagkwekwentuhan pa. busina at ilaw na ako pero NR pa rin. Pwede ko na kayang bundulin kapag ganon? hehehehe.
Madami ng ginawa ang MMDA na mga ordinance, anti-jaywlking pero mismo sa ilalim ng overpass tumatawid may bakod aakyatin pa rin, sa overpass naman puro vendor ako mismo nahulugan ng isang mug ng kape puga upi hood ko eh di naperwisyo ako, gastos! Bawal daw bubusina sa Edsa pero letcheng mga bus halos mabasag ang eardrum mo para lng tumawag ng pasahero, bawal daw ang sabit sa jeep pero hayun hanggang sa side ng jeep may sabit, hanggat mga BOBONG MMDA ang mga nakabantay sa kalye at ang hangad ay kotong, cute ang ina nila. Naturingang Development Authority pinapanghe naman ang side walk halos di ka hihinga sa panghi na nilagay nila urinal station o asan and development huhukayin ang kalye di naman isasaayos sa dati. Subukan mong dumaan sa Commonwealth Ave. humanda kang makipag patintero sa taong tumatawid.
lagi akong nakakakita yung may sign "HUWAG TUMAWID NAKAMAMATAY" tapos ang katabi....ayun, san damakmak na tao akala mo may pila sa sinehan.. pag nakakuha ako ng tyempo, kunan ko ng pic post ko sa gallery. :D
Lalo na sa corner ng Sta. Mesa at Araneta, sa may SM, ang daming signs na use overpass pero tawid padin sila ng tawid... Di ko hinihintuan mga jaywalkers. Pero sa libis, basta may pedestrian lane, kahit 1 lang sya pinapatawid ko, it's their right.