New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 16
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #1
    --- "Death ride" sa halip na "joyride" tulad ng pangarap ng biktima na gawin sa gabi ng kanyang "debut" nang mamatay ito makaraang tumilapon sa sementadong kalsada nang banggain ng kasalubong na 10-wheeler truck ang sinasakyang motorsiklo kasama ang dalawang kaibigan noong Sabado.

    Halos madurog ang ulo ng biktimang si Jonalyn Nantes, 18-anyos, taga-Barangay Binitayan, Daraga, Albay. Kapwa naman malubha ang mga kasama nitong sina Mary Joy Marbella, 19, at Michael Arreza, 21, binata, taga-Barangay Pag-asa, Daraga, Albay.

    Nakakulong na sa municipal jail ang suspek na si Nelson Nagtasus, drayber ng 10-wheeler truck na may plate #EVE-254 na pag-aari ng Ocquena Cargo na nasa Bgy. Bita-no, Legazpi City.

    Sa report ng local police kay Sr. Supt. Roque G. Ramirez, provincial director, tulad ng naunang plano, sa halip na magdaos ng party ay nakiusap si Nantes kay Arreza na mag-joyride sila sa gabi ng kanyang ika-18 birthday gamit ang motorsiklo ng huli na pumayag naman na siyang sanhi ng kamatayan nito.

  2. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #2
    kawawa naman.. sayang ang buhay.. iwas na lang alis pagkagabe na.. dame loko lokong driver na niyan

  3. #3
    Teka 3 sila sa Motor? Tsk tsk, wrong move by these kids. Nasayang talaga ang isang buhay.

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #4
    sa prubinsiya kasi ...ganyan kung gamitin ang motor parang jeep.pampasahero kung tawagin iyan sa southern parts ay "HABAL - HABAL"..kya pangkaraniwan na sa kanila ang tatlo ang nakasakay sa motor

  5. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,057
    #5
    Kaya nga ba ayaw ko bumili ng motor pang 4 wheel lang ako!!! Kahit anong ingat mo kung ikaw naman babanggain tatapon ka talaga!!! TSk tsk tsk....

  6. Join Date
    Oct 2004
    Posts
    2,315
    #6
    Malas naman birthday pa naman hanggang 18 lang tuloy buhay niya

  7. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,849
    #7
    aaww man. tsk tsk.

    sana nagpaparty na lang siya....

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #8
    buhay talaga ng tao ...d mo masabi ....kung kylan



    AAAAAAYyyyy buhayyyyy ...parang LIFE

  9. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    2,973
    #9
    pasaway na mga bata..malamang ni isa sa kanila di naka-helmet.

  10. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #10
    Hayyyy...what a waste. Tama si ts1n1ta, sa nag-party na lang sila.

Page 1 of 2 12 LastLast
Debutante patay sa 'joyride'