Alam kong walang kinalaman ito sa sasakyan, I'm just venting out...

I had my graduation pictures taken at D' Manila last May. Diba dapat after a few days ready na siya. Kaso medyo naging toxic ako so after a month ko na nabalikan. Aba, nasira daw ang negatives so kailangan ko mag-reshoot (time consuming, make up, etc.). Ok lang naman, at least walang gastos on my part.

Binalikan ko about a week after, wala pa din ang grad pics ko. Last weekend, nagpunta ko sabi balikan ko daw Tuesday. Medyo nakakainit na ng ulo kasi nasasayang ang mga off-duty days ko kakapunta sa kanila. Hindi ko napuntahan ng Tuesday, kanina na lang ako nakabalik (Saturday), busy din kasi ako sa trabaho.

ABA PUT*NG IN* WALA PA DIN ANG PICS KO!!! Talagang nagwala na ko sa opisina nila. Nagdabog na ko. Mga pusang gala na mga ito. Kasimple-simple ng trabaho nila hindi pa nila magawa ng maayos? Ano ba ginawa nila sa picture ko? Pinakain sa leon? Baka residente na ko, wala pa din ang grad pics ko at this rate! Sobrang unprofessional ng studio na ito! Kung hindi lang sila exclusive sa UST year book, hindi talaga ko papakuha sa mga hinayupak na iyan.

Worry ko lang hindi na ko maisama sa yearbook dahil sa kabalbalan nila. Sabi ko naman sa staff and management, 'magkakagulo tayo dito' kapag hindi ako nasali sa yearbook. I hope they get the picture (pun intended).

Kanina ang promise nila, idedeliver nila sa ospital ni commander ang pics. AS of this writing, mukhang wala pa ding dumadating.

Kaya warning na lang sa mga gustong magpa-picture dito, huwag na kayong umasa na makukuha niyo pa ang pics niyo within this lifetime.

Ano ba pwede kong gawin? Sobrang frustrated na ko. Ayoko na pumunta dun, gusto ko na sila hagisan ng granada. Grrrr....