New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 8 of 8
  1. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    478
    #1
    Sept. 19, 2010 (Linggo), 09:15am...

    Mga kababayan, sa aking pagkakaalam inuumpisahan na ang pagbalasa sa mga tiwaling empleyado ng gobyerno at mga kapulisan pero marami pa din ang naglipana na mga buwaya sa kalsada at naka uniporme pa.

    Ngayun umaga lang ng linggo, isa ako sa nabiktima ng mga buwayang ito jan sa may kanto ng pasay EDSA malapit sa MRT taft station. Isang naka unpormeng alagad ng batas ang nag papara sakin dahil may violation daw akong ginawa. Bilang isang mabuting mamamayan na sumusunod sa bagong alituntunin ng Pangulo na tulungan syang ibalik sa matuwid na daan tungo sa pagbabago.
    Itong si unipormadong alagad ng batas na nag sasaayos ng trapiko ay bigla akong kinawayan at pinatabi. Hinihingi ang lisensya ko at at ang violation ko daw ay lumipat daw ako ng linya habang tumatakbo. So ang sagot ko eh "Pinatatabi mo ako, natural lilipat ako ng linya para di maka abala".

    Hiningi ang lisensya ko at titikitan daw nya ako...ayon sa violation na sinasabi nya...eto ang nakakainis...Babayaran ko ng 1,200.00 Pesos yong violation at may seminar pa daw! Nakakamangha hindi ho ba! Paglipat ng linya sa ganung halaga at mas mataas pa sa Beating the Red Light? Yon daw ang kalakaran sa Pasay dahil ang kalahati daw ng halagang iyon ay sa kanya mapupunta! Talagang talamak ang kapal ng mukha na sabihin sakin yun...

    Eto pa ang matindi...kung ayaw ko daw maabala eh bayaran na lang daw sa kanya yong violation (1,200.00 pesos). Ito ay maliwanag na EXTORTION di po ba? Napa isip tuloy ako ngaun kung totoong enforcer ba ito...dahil kahit tikitan ako...baka hindi ko na matubos ang lisensya ko. Marami ng ganyang kaso sa Pasay at talamak talaga ang makakapal ang mukha.

    Sinubukan ko ngaun kung talagang buwaya ang mga ito...Nagpapa areglo ako para makuha ko lang yong lisensya at di mabigtima ng tapon lisensya modus...Hinihingan ako ng 625.00 pesos para daw sya ma areglo...hanggang sa nagbigay na ng huling presyo, 300 para daw makaalis na ako.

    Maaring hindi kayo sang ayon sa ginawa ko pero kailangan gawin dahil mas mahirap mag ayos ng nawawalang lisensya at abala na ibibigay sa iyo...Dapat bang manahimik na lang o gumawa ng aksyon...Kayo na ang humusga.

  2. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,746
    #2
    Pasay police are the worst. I've been flagged down thrice in Pasay considering that I rarely go there. ALL of them I had to bride. May nagsoli pa nga ng P300, kulang daw so I had to give P500. I really avoid going to Pasay because it's really chaotic in that area and these crocs will pounce on you any chance they get.

  3. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    478
    #3
    Those a$$hole really irritates me yesterday morning...grrrrrh! Considering it's a sunday morning...wala sigurong mga pang tanghalian tong mga crocs na to....

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #4
    Dapat dyan may dala kayong vid. cam. kunan nyo habang hinuhuli kayo.

  5. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #5
    if ever pinapara ako ng TE and i know wala ako violation, di ko binibigay DL ko. I just show it to them. Mahirap na kasi pag nahawakan na nila eh.

  6. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    7,186
    #6
    dyan sa pasay ang una kong huli. papuntang mall of asia. swerving daw ang violation ko.

    first time din na nag lagay. Pinalalabas nila na voluntary akong nag abot sa pang miryenda nila at hindi nila ako kinikilan.

  7. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    3,305
    #7
    Ako daLA ko lagi miniwebcam ko and kapag may pumara sakin ay papatong ko sa dashboard na nakaharap sa window para just incase na may mangotong sakin ay may pantakot ako. 2x ko na nagamit yan sa Pasay crocs.

  8. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    86
    #8
    Garapal talaga ang mga Pasay police lalo na yang Edsa-Taft... Kahit MMDA, nahawa na din sa pangongoTONG nila... Sa itsura pa lang ng mga Pasay police, hindi mo na mapagkakatiwalaan... Hulidap area nila yang area na iyan, tapos sa EDSA-Macapagal, EDSA to MOA (mga U-Turn) at Macapagal-Buendia (Kanto sa side ng World Trade)... Puro buwaya ang mga naandyan... (red-orange boys)...

    Pag ako nahuli at alam kong wala akong violation, hindi ko talaga binibigay lisensya ko... Pag nasa kanila na kasi, automatic na tiket or Kotong... Ganid sila!

Crocs in Uniform along EDSA Pasay...