New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 21
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    napaka-brutal nito......
    buti may cctv na na-capture yung kagaguhan nya.

    http://www.abs-cbnnews.com/video/nat...-murder-nabbed


    Ito ang CCTV footage ng Bangko Sentral sa service road sa Roxas Boulevard sa Maynila, madaling araw, nito lang Enero 14.

    Mapapansin ang lalaki at babaeng magkausap at tila nagtatalo sa magkabilang bahagi ng itim na kotse.

    Maya-maya, sumakay sa kotse ang lalaki. Ang babae naman tila hinahamon ang driver ng kotse na siya'y sagasaan – bagay na pinaunlakan ng lalaki. Bumuwelo lang ito atsaka inatrasan ang babae.

    Naipit pa siya sa ilalim ng gulong, pero imbes na tulungan inundayan pa ng saksak ng lalaki ang babae bago niya ito muling sinagasaan at inabandonang patay na.

    Nakilala ang biktima na si Zhao Chun Lan, isang Chinese. Nagtamo siya ng tatlong saksak sa dibdib at nabasag ang bungo.

    Mag-a-alas-4 kaninang madaling araw nasakote ng MPD homicide division ang suspek na si Go Shung Young, isa ring Tsino.

    “Nakipagtulungan na ang Chinese community sa amin. Noong na-capture ng CCTV footage iyong likurang bahagi ng sasakyan niya, nakuha ang plate number. Ang ginawa niya, according to him, tinapon niya ‘yon at nagnakaw siya ng plate number,” ang pagdedetalye ni Senior Inspector Joselito de Ocampo.

    Aminado siya sa krimen. Kuwento niya, sinisingil siya ng biktima na kanya umanong ex-girlfriend sa nadispalkong P1.3M at binalaang ipapapatay siya kaya naisip niyang unahan na ito.

    “Gusto niya patay na ‘ko, [pati] papa, mama, kasamahan ko. Sabi niya ako wala nang pera,” sabi ng suspek.

    Napag-alaman pang nagnanakaw rin umano sa iba't ibang condo unit ang suspek.
    Last edited by chua_riwap; February 4th, 2012 at 01:47 AM.

  2. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,704
    #2
    Death penalty. Now.

  3. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    17,598
    #3
    grabe naman iyan. sobrang itim ng budhi ng hinayupak na iyon! :censored:

  4. Join Date
    Nov 2010
    Posts
    24,763
    #4
    Nagdilim siguro paningin!
    Fasten your seatbelt! Or else... Driven To Thrill!

  5. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    1,956
    #5
    if Chinese national sya...tapos na convict sya, dito ba nya bubunuin ang sentensya or dedeport lang?

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #6
    Balato na lang yang si tsekwa, magandang pataba yan.

  7. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    1,036
    #7
    nagnanakaw pa daw yan sa mga condo units. bitayin na yan o painumin ng GTOil.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #8
    Naku baka di pa tumagal ng 1 year sa prison yan para namang hindi natin alam ang batas dito.. konting lagay lang lusot na.. yon nga naka kulong na drug dealer pinatakas pa ng pulis nakita pa sa CCTV... mga bwisit di nila iniisip yung mga pinoy/pinay na nasa china pag na huli Bitay agad mga walang kunsensya...

  9. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #9
    *******, tao ba yan.

    Sinagasaan niya na nga, sinaksak pa, at sinasagaan pa ulit.

    Wala na. Demonyo na yan.

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #10
    nag-dare yung GF.....tinutoo!
    anak ng.......

    masaklap....baka pawalan pa.

Page 1 of 3 123 LastLast
caught on camera: Chinese national stabs, runs over GF