New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 9 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 81
  1. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #1
    Mga kachikoteers, need lang nang advice, alam kong maraming nakakarelate sa akin dito, Kung alam nyo yung mga batang nagbibike na nakakasagi ng sasakyan tapus sorry lang ang sasabihin pagkatapus makaperwisyo. Diba nakakainis yun, hindi nagiingat tapus kausapin mo ang relatives sila pa parang galit. gusto ko turuan ng leksyon magulang eh back me up mga ka tsikoteers..

    ganito kasi yan, yung car namin nakapark sa labas ng gate, tapus may mga bata na nagba bike na may sidecar, puro bata eh walo sila, tinitignan na pala ng kapitbahay namin kasi parang makakabangga eh, yun nga di sila nagkamili mayamaya nalang booom! lakas ng tunog kupi yun right front door ng passenger seat hindi na mabuksan, sabi ng mga bata, sorry sorry tapus biglang itatakbo yung bike, ginawa namin kinuha namin yung bike tapus pinapapunta namin yung magulang, ayun pumunta magulang ng may ari ng bike, ang masaklap nun hindi pala anak nya yung nagddrive, nakasakay lang daw dun yung anak nya, hinablot daw ng kapitbahay nila, kinukuha yung bike hindi namin binigay kasi ito yung ebidensya eh pati kitang kita sa gilid ng car namin yung pintura ng bike, kaya pumayag sya na sa amin nalang muna, ngayon hinunting namin yung nagmamaneho ng bike, nakita namin kinausap namin, tita lang nya nandoon eh parang walang pupuntahan ang usapan, wala daw magulang nung bata may binili daw sa malayo, tapus ang sabi wala daw silang pera pati hindi lang daw sila dapat magbayad pati din daw yung mga magulang ng nakasakay.

    Ngayon parang lumalabas na naninisi sya ng iba, eh yung relatives nya nagmamaneho syempre kung sino yung may hawak nang manibela sya ang may responsibility, kagabi pala nangyari yun, ngayon hinihintay namin hindi naman napunta sa bahay. para tignan or kausapin kami, taga village din namin.

    Mamayang hapon balak naming pumunta sa kanila para pagusapan yung damage ng car na ginawa ng anak nya, taga village din namin kaya tatawag kami ng barangay para mapilitan lumabas at makipag usap. Ang pinoproblema ko ano kaya next step namin kung ayaw nya bayaran cashualties na ginawa ng anak nila, ano ba magandang next step mga ka brad, hindi kasi pwedeng sorry nalang eh, hindi na masakyan yung passenger seat, pati kung scratch lang baka pwede pa, kasi nabangga na din ng nagba bike ito dati at na scratch pinabayaan ko nalang, pero ngayon ayoko na kaylangan na ng may managot.

  2. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,770
    #2
    Report mo na lang sa barangay sir kung anong possible na settlement na pwede niyo mapagkasunduan then claim mo sa insurance (if you have comprehensive) ung damage sa vehicle mo. Mahirap talaga pag naka park sa kalsada, prone sa ganyan. As much as possible if you can get a garage or a safe area for parking. HTH.

    - - - Updated - - -

  3. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #3
    Quote Originally Posted by Retz View Post

    Report mo na lang sa barangay sir kung anong possible na settlement na pwede niyo mapagkasunduan then claim mo sa insurance (if you have comprehensive) ung damage sa vehicle mo. Mahirap talaga pag naka park sa kalsada, prone sa ganyan. As much as possible if you can get a garage or a safe area for parking. HTH.
    luma na kasi to sir, walang insurance, insurance lang sa registro meron nito. yup prone nga pag sa kalsada nakapark, kaya pag may guhit pinapabayaan ko nalang, ang problem eh hindi lang gasgas, kupi pa at hindi mabuksan pintuan. kaya malamang barangay toh mamya.

  4. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,828
    #4
    Pa barangay mo, then pag nag insist na wala pera eh gamit nila ang kunin mo. TV for example, isa na rin sa mga pambayad sayo eh yung bike.

  5. Join Date
    May 2011
    Posts
    107
    #5
    barangay at police report. kunan mo ng pics yun sasakyan and yun bike. shempre dapat bayaran ng magulang nun batang nakabangga yun damages. oo aksidente pero dapat may managot diba? hindi naman pwede sorry lang. kung wala silang pera e d hulugan nila diba? ang importante dapat bayaran ng magulang. mahiya naman sana sila.

  6. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    938
    #6
    Ang kaso niyan nasa magulang, nangyari nadin samin yan, pero samin sobrang habang gasgas dinulot nung handle ng bike sa kotse...hinayaan lang namin kasi bata, at saka hindi namin nakita personally, sinabi na lang samin may gasgas na

  7. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #7
    Quote Originally Posted by CoDer View Post
    Pa barangay mo, then pag nag insist na wala pera eh gamit nila ang kunin mo. TV for example, isa na rin sa mga pambayad sayo eh yung bike.
    yup, gusto nga namin ganun eh, gamit nila kapalit kung walang pera or installment nalang para naman di sila mahirapan pero may pipirmahan sila para pag di sila tumupad sa usapan mas malaking kaso diba. ang problema gusto nya marami sila magshare sa gastos pati mga nakasakay daw singilin, eh kung ganon kasi mas mahirap at matagal ang process, ang gusto namin yung nagmaneho ng bike ang singilin dahil sya ang nagddrive yun yung anak niya, yung may ari ng bike yung anak nila nakaangkas lang.
    Quote Originally Posted by InDeep View Post
    barangay at police report. kunan mo ng pics yun sasakyan and yun bike. shempre dapat bayaran ng magulang nun batang nakabangga yun damages. oo aksidente pero dapat may managot diba? hindi naman pwede sorry lang. kung wala silang pera e d hulugan nila diba? ang importante dapat bayaran ng magulang. mahiya naman sana sila.
    meron nang picture pati yung bike nasa garahe namin, hindi nila pwedeng kunin, kahit nakaangkas lang yung anak ng mayari ng bike, hindi nila pwede kunin hanggat hindi binabayaran nung batang nagdrive nito. oo nga eh dapat mahiya magulang nun, parang sila pa galit sila na nakaperwisyo hindi man lang pumunta sa bahay para magpaliwanag

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    1,007
    #8
    ts, bakit naka park ang kotse sa labas ng bahay?

    - - - Updated - - -

    ts, bakit naka park ang kotse sa labas ng bahay?

  9. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,773
    #9
    TS, nangyari na ito sa akin dati although yung magulang ng bata sila na mismo nagpresinta na ipagawa yung kotse. Sa case mo mukhang sa baranggay na nga talaga ang option mo, kung walang pangsettle kunin mo na lang yung bike at charge to experience na lang. For purpose of settlement naman yung value na sabihin mo na sa 2500 pesos per panel.

  10. Join Date
    May 2012
    Posts
    675
    #10
    Quote Originally Posted by ronki View Post
    Ang kaso niyan nasa magulang, nangyari nadin samin yan, pero samin sobrang habang gasgas dinulot nung handle ng bike sa kotse...hinayaan lang namin kasi bata, at saka hindi namin nakita personally, sinabi na lang samin may gasgas na
    oo sa magulang ang kaso nito. kami dami nakakita mga kapitbahay mga teacher sa tabing school, kami mismo nakita namin, kaya walang tago may responsibility pati yung ebidensya na bike nakapark na sa bahay namin.
    Quote Originally Posted by fireblade View Post
    ts, bakit naka park ang kotse sa labas ng bahay?
    dito sa village namin masikip ang garahe hindi kasya ang kotse siguro kung pagkasyahin super sikip na, halos lahat ng may kotse sa village dito nakaparada sa labas ng bahay, ang bawal dito ay double parking.

Page 1 of 9 12345 ... LastLast
car kong nakapark binangga ng bike, kupi!