Kawawa naman yung MC driver and may he rest in peace. Hinde talaga naiiwasan yung mga aksidente tulad nito, payo lang sa lahat eh mag-ingat at laging sumunod sa rules, drive defensively at huwag agressively. Lahat tayo makakapunta sa paroroonan ng buhay kung lagi nating isasaisip na ang daan eh para sa ating lahat kaya susunod tayo sa patakaran. Kaya nga tayo may rules sa trapiko eh para maiwasan ang ganitong problema. Dapat narin ayusin yung sistema ng trapiko natin.
Nung nakaraang buwan, umuulan at basa ang daan sa may Makati. Galing ako ng Buendia at aakyat ako ng flyer-over patungo ng Fort Bonifacio. May MC sa harapan ko, mga dalawang oto ang layo ko sa kanya at mga 40kph ang takbo namin paakyat. Mabuti na lang at malayo pa ako sa kanya nung biglang dumulas yung bike nya sa bakal na pinaggitnaan ng concrete. Mabilis din naman akong nakailag sa kanya at naiwasan na mabundol sya. Mabuti nlang at nakaiwas din yung mga oto sa likod. take note, maraming sasakyan din ang dumadaan nung araw na iyon at pasalamat sa diyos gasgas lang sa bike at konting dumi lang ang dumampi sa MC driver. Kaya ingat lang lalo na at maulan ngayon.