New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 11 to 20 of 49
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    927
    #11
    Wow that must have been some settlement to let go of the death of 7 relatives...

  2. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,410
    #12
    Quote Originally Posted by Monseratto View Post
    The family of the victims came to a settlement with the bus company. No charges have been filed against the bus driver. He was freed from detention this noon .

    QTV: Driver of Batangas bus that figured in accident freed

    http://www.gmanews.tv/largevideo/lat...accident-freed

    The police should have pursued the case in the absence of any complaint from the relatives, that's the weakness in our laws. I bet the driver of the said bus will not learn a lesson from this tragic incident.

  3. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    814
    #13
    baka pati yung police, nilagyan para hindi na mag-pursue. tsk tsk, pera-pera lang talaga yan.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,068
    #14
    Kawawa yung OFW. 2 months ago lang nag umpisa magtrabaho sa Singapore as a domestic helper. Yung dalawang anak at asawa kasama sa mga namatay.

    Also radio reports say the the driver of the killer bus is still imprisoned. The family of the victims is to meet with bus company. Whether he stays in jail will depend on the outcome the meeting...

  5. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #15
    EDITORYAL - 'Killer highway'
    (Pilipino Star Ngayon) Updated January 04, 2011 12:00 AM Comments (7)




    MARAMI nang nasayang na buhay sa isang mahabang kalsada sa Batangas --- ang Southern Tagalog Arterial Road (STAR). Sunud-sunod ang mga aksidente rito na ang sangkot ay mga pampasaherong bus. Pero sa kabila na marami nang nasayang na buhay, tila walang ginagawang hakbang ang mga namamahala sa nasabing kalsada para maging safe sa mga motorista.
    Para makadaan sa STAR, kailangang magbayad ng toll fee. Pagpasok ng mga sasakyan sa Sto. Tomas, Batangas (kung galing ng Metro Manila at iba pang lugar sa Laguna) ay mapapansin na talagang napakaganda ng highway. One way kaya mabilis ang pagbibiyahe. Pantay na pantay ang takbo at walang mararanasang problema habang nagpapatakbo. [SIZE=4]Pero pagdating sa dakong gitna ng STAR, malapit sa bayan ng Ibaan, dito na nagsasalubungan ang mga sasakyan. Makakasalubong ng mga sasakyang galing Maynila ang nagmula sa Batangas pier at iba pang bayan sa Batangas. Malalaking truck at bus na ubod nang bilis ang makakasalubong. Isang malaking katanungan kung bakit nagkaroon ng salubungan sa highway na ito na isang malaking panganib sa mga motorista lalo na kung gabi at umuulan.[/SIZE] Huwag lang magbaba ng ilaw sa gabi ang kasalubong na sasakyan ay kapahamakan na ang sasapitin sapagkat maaaring masilaw ang drayber.
    Noong Linggo ng tanghali, isang malagim na aksidente na naman ang nangyari sa STAR kung saan isang jeepney na galing Batangas City ang binangga ng isang pampasaherong bus na patungong pier. Una munang nabangga ng bus ang isang kotse dahil sa maling kalkulasyon sa pag-overtake. Paparating naman ang jeepney na puno ng mga pasaherong dumalo lamang sa death anniversary ng kaanak. Sapol na sapol ang jeepney na natuklap ang bubong dahil sa lakas ng impact. Tumalsik ang mga pasahero ng jeepney. Pito ang patay at apat ang nasugatan sa aksidente.
    Mapapansin na kulang sa WARNING SIGNS ang highway. Dapat ipaalala sa mga drayber ang maingat na pagmamaneho at ang sasapiting aksidente sa maling paglampas sa nasa unahang sasakyan. Dapat din namang dagdagan ng ilaw ang kahabaan ng highway. Bigyang babala ang mga drayber sa tuwi-tuwina para hindi maging biktima ng “killer highway”. Dapat ding kumilos ang mga halal na opisyal ng Batangas sa nangyayaring sunud-sunod na aksidente. Ayusin ang “killer highway”.




    Yan ang isa sa malaking dahilan ng mga aksidente jan....

  6. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #16
    iba talaga mga bus drivers.

    pero kung oobserbahan niyo, iba ang ugali ng bus drivers sa metro manila kumpara sa drivers ng mga provincial buses. kaya mahirap mag generalize.

  7. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #17
    Napakaraming mali
    K KA LANG? Ni Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) Updated January 04, 2011 12:00 AM Comments (8)

    ANG madugong aksidente sa STAR Highway sa Batangas ay pinakita muli ang mga mali natin pagdating sa kalsada. Base sa mga nabasa ko ukol sa aksidente, kung saan pitong pasahero ng jeepney na binangga ng isang bus ang namatay, habang apat pa ang matinding sugatan, may isang mabagal na sasakyan sa harapan ng bus, kaya nagdesisyon ang drayber na lampasan ito. Pero nahagip umano ng bus ang hulihan ng kotse habang nilalampasan, at nataon na may jeepney na nakasalubong at nabangga. Ayon sa isang pasahero ng bus, hindi naman mabilis ang takbo ng bus. Parang may diperensiya yung sasakyan sa harap nila kaya nilampasan nila ang kotse. Yung jeepney raw ang matulin magpatakbo. Pero hindi niya binanggit na natamaan nila yung kotse.
    Ang kotseng nilampasan ng bus ay sasakyan ng gobyerno, dahil “S” ang simula ng plaka. At ang sakay na pasahero ay abogado ng tanggapan ng vice governor ng Laguna. Hindi siya nasaktan sa aksidente. Maniniwala ako na may diperensiya yung sasakyan dahil hindi naman naaalagaan ang mga sasakyan ng gobyerno, dahil kulang sa budget o kaya’y nabubulsa na lang ang budget! Isang mali na iyan. At kung bakit gamit ang isang opisyal na sasakyan habang piyesta opisyal, di ko rin alam.
    [SIZE=3]Ang mga pampasaherong jeepney ay walang lugar talaga sa isang highway. Ang disenyo ng jeepney ay hindi nagbibigay ng kahit anumang proteksyon sa mga pasahero. Kaya kapag naaaksidente, siguradong may mamamatay. Alam ko simbolo ang jeepney ng Pilipino, pero may tamang paglalagyang kalsada para rito. Hindi na dapat pinabibiyahe ang ganitong klaseng sasakyan sa isang highway kung saan maraming mabibilis magpatakbo. At lalong hindi dapat nagpapatakbo nang mabilis ang mga drayber ng jeepney kapag nasa highway![/SIZE]
    Pero mauuwi na naman sa bus ang kasalanan sa aksidenteng ito. Ang drayber ng bus ay mataas ang kinalalagyan, kaya malayo ang nakikita nito kumpara sa ibang mga drayber. Dahil dito, dapat nakita na niya ang kasalubong na jeepney malayo pa lang. Hapon naganap ang aksidente at hindi gabi. At kung matulin nga ang takbo ng jeepney, hindi na dapat pinilit lampasan ang sasakyan sa harap niya. At kung nabangga nga niya ang sasakyan na gustong lampasan, mahina talaga ang drayber. Kung paano nagkalisensiya ito at kung bakit tinanggap ng kompanya ng bus, iyan ang dapat imbestigahan. Matagal ko nang sinasabi na wala namang mahigpit na pagsisiyasat sa mga drayber ng bus. Basta marunong pumihit ng manibela at kumambiyo, lisensiyado na! At walang takot maaksidente dahil malaki naman ang dalang sasakyan, at sagot naman ng kompanya ang anumang aksidenteng masasangkutan. Dito makikita ang mali ng industriyang ito, at ang mga mali natin pagdating sa kalsada. Kung hindi kikilos nang maayos ang gobyerno ukol sa mga maling ito, palagi tayong makakabasa ng mga ganitong klaseng trahedya sa highway.

    sa isang banda, tama talaga na di safe magbiyahe ang jeepney sa highways...walang proteksyon-walang seatbelt...kaya sigurado titilapon talaga ang mga sakay nito kapag nabangga....

  8. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    7,119
    #18
    Kahit saan namang 2-way road may mga driver na nangsasalubong. Specially on provincial roads. Personally nakakahiya yung ganun, oovertake ka tapos mabibitin ka at aabutan ng kasalubong. But the unwritten rule in effect seems to be: "Malaki ako kaya tumabi ka." and/or "Magpreno ka pag nabitin ako sa pagovertake." Ilang beses na rin akong sinalubong (kahit hindi bus or truck) kahit alam naman nilang mabibitin sila sa pagovertake at aabutan ako sa lane ko. Minsan kelangan pang isadsad sa shoulder para lang di mabangga. Mahirap talaga pag mainipin ang driver. Siguro dapat may patience test na rin sa LTO hehe.

    Akala ko sa mga expressway kung maaksidente ka man malamang ma- rear end ka lang,with a much bigger chance of survival. Hindi rin pala
    Last edited by Wh1stl3r; January 4th, 2011 at 05:51 PM.

  9. Join Date
    Jul 2010
    Posts
    4,390
    #19
    me kinalaman kaya ang shabu jan? ang alam ko kapag naka-shabu ang mga drivers mga agresibo yan......

  10. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    631
    #20
    Will the application of a speed limiter on buses really have no chance in this country filled with irresponsible bus drivers? I mean, even SLEX has a lane for trucks and buses, and yet buses regularly wander on all lanes overtaking me and other cars even while I'm doing 90-100 kph already. With all the accidents (remember 2009?) happening involving buses, I hope the LTO grows more gonads than a eunuch to ensure the safety of smaller vehicles from these monster buses.

Page 2 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Bus rams into jeep, kills 7 people in star tollway