New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 25
  1. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,284
    #1
    Nagpa-mounting at balancing ako ng mga gulong ko sa Brando's, pina-repaint ko kasi yung mags so tinanggal ko yung gulong. So dinala ko sa kanila yung pagagawa ko tapos iniwan ko na dun since regular naman akong nagpapagawa sa kanila. Paguwi, pinakabit ko yung mags sa kotse and brought it to the Yokohama tire shop along Tuazon ave. in Marikina for alignment since bagong pagawa yung pangilalim ko. After the alignment, ginamit ko yung car at dahil bagong pagawa nga sinubukan ko ihataw and when I reached 100km/h the car began to shake VERY VIOLENTLY which really scared me. Binalik ko sa talyer yung auto ko para patignan kung bakit nagkaganoon. Sinubukan ng mekaniko ko palitan muna yung mga gulong galing sa ibang auto sa talyer at napatunayan na gulong ko nga ang problema dahil nung ginamit yung spare set of tires e hindi nagkaproblema kahit umabot pa kami ng 120km/h. I began to doubt if indeed na-balance nga mga gulong ko, dahil dito dinala ko yung mga gulong ko sa Mickey's sa Tuazon ave din in Marikina. Lo and behold, puro wala sa balance ang mga gulong ko.

    Ang point ko dito is nagbayad naman ako ng tama sa Brando's bakit naman ako dadayain sa maliit na halaga ng mga wheel weights. Grabe kaya yung panginginig na naradaman ko sa auto. What if kung di ko naagapan na-loss control ako, e di pwede pa akong maaksidente at mamatay o makapatay dahil sa pandaraya ng Brando's na yan. Kaya mga peeps iwasan nyo na tong Brando's na to. Baka yan pa ang maging mitsa ng buhay nyo.

  2. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #2
    ang sama ng experience mo bro... kaya mas gusto ko sa mga shops na medyo may presyo pero hindi naman lolokohin yung gawa.

    noted na yung shop na yan. sana malasin sila sa pangloloko nila. tsk tsk tsk...

  3. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    148
    #3
    sir san po ba to? Ito po ba yung malapit sa may lydia's lechon?

  4. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,284
    #4
    Quote Originally Posted by rhuwrx View Post
    sir san po ba to? Ito po ba yung malapit sa may lydia's lechon?
    If you're coming from Cubao, its after the LRT station before reaching A.Rodriguez ave. Malapit dun sa 2 motel sa Marcos Hiway

  5. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,284
    #5
    Quote Originally Posted by archie123456789 View Post
    ang sama ng experience mo bro... kaya mas gusto ko sa mga shops na medyo may presyo pero hindi naman lolokohin yung gawa.

    noted na yung shop na yan. sana malasin sila sa pangloloko nila. tsk tsk tsk...
    Kaya lang naman ako nagpapagawa dyan kasi yan ang pinakamalapit sa min e.

  6. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    148
    #6
    sorry to hear that sir, hayaan nyo makakarma din yang mga yan!
    marami na rin kami bad experience sa mga small roadside tire shops na ganyan
    halos 7 of out 10 its either ang panget ng gawa or ginogoyo ka.

  7. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    148
    #7
    or talagang malas lang kami pag dating sa ganitong bagay?

  8. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #8
    parang napapansin ko ang daming mandarayang shops dyan sa marcos highway.. bakit kaya? buti na lang malayo ako dyan..

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #9
    kailangan pa ba i-balance ang gulong sa likuran? or yun pangunahan lang? I just bought new tires at sabi ng owner eh libre na daw yun balancing pero sabi nung mechanic eh yun unahan lang daw ang kelangan i balance

  10. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #10
    Hi Ron, sorry to hear your misery. Maybe it might help if you actually saw the tires being balanced. When I have some maintenance/repairs done on my cars I make sure I see what's going on. The last time I got new tires I checked if they balanced it properly, and specifically requested the weights to be installed inside instead, for that "clean" look. So I had my reasons to watch them.

    Besides, their lounge wasn't the best

    By the way, air pressures can also create imbalance in tires. When you get home let the car sit overnight, the next morning before you head off check the pressures while they're cold.

Page 1 of 3 123 LastLast
Brando's Tire Supply along Marcos Hi-Way in Pasig