Ano na ba ang nangyayari sa atin ngayon at parang malalakas na ang loob talaga ng mga kawatan?
1. Dec. 2007, nilooban bahay ng batchmate ko. At least tinyempuhan na isa lang ang tao. Nag doorbell, tapos nung tingnan nung tao kung ano kailangan e pinuwersa na siyang papasok saka tinalian.
2. Jan. Napanood ko sa balita, merong nilooban sa San Juan. Hi-tech pa ang security system pero nakalusot pa rin, nalusutan na yung security, nabaklas pa yung electronic vault.
3. Jan din yata yun, napanood ko din sa balita, sa may masambong meron nilooban habang may birthday party na nagaganap. Nag videoke pa nga daw yung isa para hindi marinig na may commotion na sa loob. Ito matindi, kasi after nila makuha ang gusto nila kunin, pinatay pa yung head of the family.
4. This morning lang, bali-balita dito, meron na namang nilooban sa may Frisco, hindi pa naman lumalabas sa news, pero ang sabi ay ganun din, pinasok ang bahay, naghalughog doon. Lahat pinadapa ang bawat mag attempt na tumingin ay pinadadaplisan ng bala (DAW). Ewan ko lang kung totoo nga itong huli, antay na lang sa balita.
Pero yung unang tatlo pa lang e madaming na yun. Kung totoo pa itong isa...
kaya kailangan may aso sa bahay. isa sa loob ng gate at isa sa loob mismo ng bahay. nakawala lang dapat ang mga ito. hindi nasusuhulan,hindi kailangan paswelduhan. yan ang aso - man's best friend. wag lang lasunin hehehe
seriously. kung allergic ang tao sa loob ng bahay eh di ilagay sa labas. kung bawal ang aso sa tinitirahan,doble ingat na lang. ibang klase na talaga ang panahon natin ngayon. nanunuod ata ng lupin ang mga magnanakaw ngayon.
Naniniwala din ako sa aso. Before kasi meron kaming trained guard dog. Nung namatay yung dog namin a few weeks after nanakaw yung car stereo, car discman at pati na rin lahat ng CDs ko. I cried so hard 'coz I kept all my best cds in my car. Ang mahal pa naman ng CDs during the mid 90s kasi wala pang pirated at marami dun pamana pa sakin ng kuya ko.
May incident din village namin na nakapasok yung magnanakaw sa loob ng bahay. Hindi alam ng loko na may 2 Rott sa living room. Nilapa tuloy. hehe. Tapos nung pinakulong, yung may-ari pa yung sinisi kasi sabi hinahanap lang naman daw nila yung bola ng basketball. (at 3 am, forcing themselves INSIDE the living room!?!)
Pati sa pagdidilig ingat na rin siguro kasi meron din mga incident na sa garden ina attack yung homeowner. O kaya habang nagdidilig sumsalisi sa loob ng bahay.
Hindi kaya naka drugs na yung mga magnanakaw kaya ang lalakas ng loob?
mainam din siguro yung see - thru yung gate ng bahay para madaling makita ng mga ibang tao sa labas kung may nangyayari na hindi maganda sa loob ng bahay nang sa ganoon madaling makakuha ng tulong.at ugaliin lagi na nakakandado ang gate kahit nasa loob kayo ng bahay ilagay lang ang susi sa lugar na kayo lang ang nakakaalam.yung kasama namin kahit nasa loob ng bahay pwedeng kausapin yung tao sa gate na hindi na siya lalabas pa ng bahay kapag hindi umalis tawag na agad ng security o pulis o kaya magsisigaw para makuha ang attention ng mga kapit bahay.