New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #1
    Ano na ba ang nangyayari sa atin ngayon at parang malalakas na ang loob talaga ng mga kawatan?

    1. Dec. 2007, nilooban bahay ng batchmate ko. At least tinyempuhan na isa lang ang tao. Nag doorbell, tapos nung tingnan nung tao kung ano kailangan e pinuwersa na siyang papasok saka tinalian.

    2. Jan. Napanood ko sa balita, merong nilooban sa San Juan. Hi-tech pa ang security system pero nakalusot pa rin, nalusutan na yung security, nabaklas pa yung electronic vault.

    3. Jan din yata yun, napanood ko din sa balita, sa may masambong meron nilooban habang may birthday party na nagaganap. Nag videoke pa nga daw yung isa para hindi marinig na may commotion na sa loob. Ito matindi, kasi after nila makuha ang gusto nila kunin, pinatay pa yung head of the family.

    4. This morning lang, bali-balita dito, meron na namang nilooban sa may Frisco, hindi pa naman lumalabas sa news, pero ang sabi ay ganun din, pinasok ang bahay, naghalughog doon. Lahat pinadapa ang bawat mag attempt na tumingin ay pinadadaplisan ng bala (DAW). Ewan ko lang kung totoo nga itong huli, antay na lang sa balita.

    Pero yung unang tatlo pa lang e madaming na yun. Kung totoo pa itong isa...

  2. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #2
    kaya kailangan may aso sa bahay. isa sa loob ng gate at isa sa loob mismo ng bahay. nakawala lang dapat ang mga ito. hindi nasusuhulan,hindi kailangan paswelduhan. yan ang aso - man's best friend. wag lang lasunin hehehe

  3. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    377
    #3
    ^^^ Kaso hindi pwede ito sa lahat. Lalo na sa may mga allergies.

  4. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #4
    eh di pusa

    seriously. kung allergic ang tao sa loob ng bahay eh di ilagay sa labas. kung bawal ang aso sa tinitirahan,doble ingat na lang. ibang klase na talaga ang panahon natin ngayon. nanunuod ata ng lupin ang mga magnanakaw ngayon.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #5
    lagay kayo ng loro para maingay

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,753
    #6
    Naniniwala din ako sa aso. Before kasi meron kaming trained guard dog. Nung namatay yung dog namin a few weeks after nanakaw yung car stereo, car discman at pati na rin lahat ng CDs ko. I cried so hard 'coz I kept all my best cds in my car. Ang mahal pa naman ng CDs during the mid 90s kasi wala pang pirated at marami dun pamana pa sakin ng kuya ko.

    May incident din village namin na nakapasok yung magnanakaw sa loob ng bahay. Hindi alam ng loko na may 2 Rott sa living room. Nilapa tuloy. hehe. Tapos nung pinakulong, yung may-ari pa yung sinisi kasi sabi hinahanap lang naman daw nila yung bola ng basketball. (at 3 am, forcing themselves INSIDE the living room!?!)

    Pati sa pagdidilig ingat na rin siguro kasi meron din mga incident na sa garden ina attack yung homeowner. O kaya habang nagdidilig sumsalisi sa loob ng bahay.

    Hindi kaya naka drugs na yung mga magnanakaw kaya ang lalakas ng loob?

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #7
    Quote Originally Posted by pitbullz View Post
    kaya kailangan may aso sa bahay. isa sa loob ng gate at isa sa loob mismo ng bahay. nakawala lang dapat ang mga ito. hindi nasusuhulan,hindi kailangan paswelduhan. yan ang aso - man's best friend. wag lang lasunin hehehe
    with regards to dogs: May doggies rin kami, at lumaki akong may mga alaga, kaya totoo ang sabi ni pitbullz. Man’s best friend na totoo. Nasasaktan mo na minsan, todo protekta pa isusukli sa iyo dahil mahal ka niya…..naiiyak tuloy ako ah naalala ko mga namayapang doggies namin

    Kung may doggie, hindi basta basta titirada ang mga yan…. ang doggies namin, baligtad, pumapasok sila sa cage pag gabi na, di ko pa nilo-lock andun na sila hindi sa takot kundi trained kasi sila mula nung mga puppies pa sila. My purpose: para di sila malason….

    Pag nag-ingay sila, malamang may intruder or something is abnormal sa paligid….nasa iyo na kung babangon ka para i-check or magbukas ng ilaw…malaking bagay ang pagtahol nila.

    Wrong judgement yung pinapakawalan sa gabi ang guard dog. Mas malaki ang risk na ma disable ito ng madali. Pwede ka magpakawala but not all, yung mga askal pwede pero yung may killer instinct much better kung naka cage.

    Back to akyat bahay: triple ingat na lang… mahirap ang buhay eh…

  8. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,753
    #8
    Yung guard dogs namin before nakawala lang the whole day. Pag may tao lang namin pinapapasok sa dirty kitchen pero trained sila not to take food from strangers. Trained din sila not to eat food that fell or is on the floor already. They can also attack on command or if they feel like we are threatened. Very territorial kasi sila. Kasi pag kinulong sa gabi at may intruder, they won't be able to attack the bad guys.

    I miss them. I'm sure they are in doggie heaven because they served us - their family well. Very loyal dogs indeed.

  9. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,753
    #9
    Meron din mga magnanakaw na sinusungkit yung mga gamit from the window. Try not to place valuables near windows. Yung friend ko naka ilong relo at cell phone na. Sa may UPS area.

  10. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #10
    Nakow! Sa amin kapag may gustong subukan ang security ng bahay eto ang madadatnan niya....



    tignan natin kung may matitira pa sa kanila hehehe.

Page 1 of 2 12 LastLast
Malalakas na ang loob nila...