New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 41

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    199
    #1
    Magandang araw po sa inyo mga tsikot experts.. I know this is the right forum to ask help.
    Nung Wednesday po kasi ay nabangga ang kotse ko ng isang US military pick up vehicle, isang ford ranger gen 2 na may bakal na bumper habang nagte-take ako ng exam.

    Isa po akong college student, isang civil engineering student, this week po ay finals week namin at patapos na rin ang klase kaya ang daming requirements at exams na ipapasa. Masyado po akong naging busy sa pag-aaral kasi gusto ko po mataas ang grado ko(di ako nerd ) o maging pinakamataas na grado sa klase(tight po ang competition sa klase ) para po ito sa magulang ko bilang maliit na kabayaran sa hirap nila para saming magkakapatid.

    Ang kotse ko po ay ford everest at nakapark po ito ng maayos sa parking lot ng aming state university. Ito ang first bangga sa kotse ko after considering 8 months pa lang at di ko kasalanan. Ang road(one-way) po ng parking lot na ito ay under renovation, hinuhukay ang roadway at sinisemento ulit kaya masikip ang daanan. Usually po kapag pinasok mo sasakyan mo sa parking lot head first kung lalabas ka naman eh dapat paatras na kasi masikip na at one-way lang ito at inaayos. Ang hindi ko po maintindihan sa mga Kano na ito eh, nag backing pa sila kahit ang sikip na kaya yun sumayad yung bakal na bumper ng kanilang sasakyan sa kotse ko.

    To cut the story:

    These US armies gave me a sheet of paper pati isang calling card na tawagan ko na lang daw sila or their insurance team.. Nung pagkapunta ko po sa parking lot eh tinanggal na nila yung pickup nila at nag usap naman kami ng maayos. Sabi ko po ay "Sir I think my bumper should be replaced" at may sumabat na isang american officer na sabing "I don't think that needs a replacement, any shop could repair that"(medyo pagalit, Ewan ko po ba sa ugali nitong mga kano na to. Sila na nakabangga sila pa galit? ) pero sabi ng driver na nakabangga(Chinese-American) tawagan ko na lang daw po yung number na bigay nila at dun na kami mag uusap.. Sa usap naming sandali nag-insist po talaga ako na palitan ang bumper. Sorry mga katsikot kung maarte ako pero wala po talang shop na malapit samin ang pulido ang pagkagawa sa painting at dent repair.. Tsaka di po ba right ko na magdemand ng gusto ko kasi kasalanan naman nila yun eh. Wala pong nagawang Police Report pero may pictures sila ng bangga at meron din ako.

    Hindi na po kasi pumasok sa isip ko na magpolice kasi by that time masyado pong stressed ang utak ko at masyadong busy sa pag-aaral lalo nat kakatapos pa lang ng isang major exam ko. Pero witnessed naman ang security guard ng State University namin. So dahil sa dami pa po ng mga dapat kong ireview at ipasang requirements eh pumayag na lang ako na tawagan sila and to my dismay di naman po sumasagot yung bigay nilang number hanggang ngayon.
    Pero since ang visitor sila ng dean of Criminal Justice ng University namin eh, nag volunteer yung dean na tutulong sakin at nagbigay ng number ng isang Military Officer(Pinoy) na sasama daw samin papunta sa office ng mga Kano na ito.

    Problem ko po:
    Sana po sagutin nyo na parang kayo ang nasa kalagayan ko.

    1. Mga sir, up until now di pa rin po sumasagot yung binigay nilang number.. Always "leave a message call". I don't know kung niloko ba ako, pero their camp is just less than a kilometer away from our house. Kaya namin pumunta dun. Di na po ako busy ngayon.. Gusto ko na po to maayos. Hingi po ako ng advise, should we go to their military office considering ang attitude ng mga kano na to?

    2. Base sa card na bigay nila, kaylangan ng Police Report.. pero hindi po nagawan. Is it possible na gumawa ako ng "security report" i mean from our security guards. Kailangan ko lang ng format at pirma nila.. Posible po kaya yun? according to that dean, pwede naman daw. Pero parang walang kasiguraduhan po.

    3. Pwede kaya humingi ng danyos? kasi masyadong naperwisyo po kami to think kami pa ang kailangan pumunta sa office nila para i-areglo to at mahihirapan lalo ako sa exams ko.

    4. Paano po kung ayaw nila palitan ang bumper ng kotse ko? Ano po ba gagawin ko kung kayo nasa kalagayan ko?

    5. Would you recommend sa insurance na lang ako magclaim? by hit and run ba dapat? paano yung gastos sa affidavit (1k pa rin po yun) kami na din aako kahit di namin kasalanan nabawasan pa bulsa namin?

    6. Any other suggestion po?

    Here are the pictures:

    ImageShack® - Online Photo and Video Hosting

    ImageShack® - Online Photo and Video Hosting

    ImageShack® - Online Photo and Video Hosting

    ImageShack® - Online Photo and Video Hosting

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    3,779
    #2
    I suggest you try to go to their office since kamo malapit lang sa inyo and deal with the folks there. There best is kung meron sanang report or written agreement kayo. If by your assessment after dealing with them would be a pain in the ass process, get some just to paint you bumper. From the pictures,
    mag gasgas lang naman, it won't cost you anything more than 2K. Kung mag claim ka sa insurance mo, talo ka pa sa participation unless you wreck the bumper and make a claim.

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    6,940
    #3
    Not worth the hassle di naman kalakihan....concentrate sa pag aaral nalang at palitan mo yung plate cover tapos yung gasgas i wax mo...

    Mas marami pa mawawala sayong oras kaka habol dito...gawan mo analng ng paraan then focus on the more important work...like your studies.

  4. Join Date
    Aug 2012
    Posts
    178
    #4
    Parang namemera ang dating mo dahil di naman grabe ung tama ng bumper mo.

  5. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #5
    Quote Originally Posted by chard23 View Post
    Parang namemera ang dating mo dahil di naman grabe ung tama ng bumper mo.
    Agreed, kung hindi nabasag yung bumper, alam ko, repaint lang talaga.

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #6
    Repaint lang yan, walang papayag na palit bumper sa liit ng damages niyan.

  7. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    199
    #7
    Talked to my father earlier.. Ok na sa kanya repaint pero hindi po sa any shop here, siguro sa toyota o ibang casa (nearest ford samin ay 500km away). Seriously walang maayos na shop dito base sa experience namin. We're from a small city in mindanao not manila. Ang fd po namin nabangga at repaint sa bumper(buo ang pinintura nila) at hindi nagmatch ang kulay. Another shop(accredited daw sila ng ford cdo) offered here repaint(8k) tapos installation ng bumper(2k!) kailangan daw tanggalin? Ngekz! Thanks sa suggestions po. I appreciate it.

    Sa mga nagsasabi ng namemera . Ewan lang po ha, pero paano at bakit? Anyway, tinanong ko lang po opinion nyo para sa danyos na yan base na rin sa ibang posts dito(i've been reading this forum about accidents). Their money is not worth it kung di man ako nakapasa ng requirements ko. pero thanks na rin sa comment sir.

  8. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #8
    Kung ganun ang problema (walang maayos na shop), try mo kausapin yung nakausap mo if ever na pumayag na sila bayaran yung damages, bayaran narin yugn expenses kung dadalin mo to sa Ford mismo.

    Usually kasi pag bumper, lalo pag plastic siya, hindi talaga 100% makukuha yung kulay, kahit kasi sa bnew ganun eh...napansin ko lang yun since nag pa repaint nadin ako.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #9
    Perhaps you can think consider to get the repaint estimate done, process your claim for the repair then just repair it later on when the vehicle is in the city. I'd assume that they (US army) will only honor your claim if you a have a legitimate estimate report from a paint shop, a police report/incident report and maybe an notarized affidavit if you cannot get a police report.

    Repaint bumper: 2.5K to 3K is the usual going price for a decent, whole bumper affair. Kasama na dyan ang removal ng bumper, labor, and materials.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #10
    ayos! kaya dapat meron insurance tayong lahat...para sa mga katulad ni TS...gusto palitan bumper, gusto pa ng danyos...para hinde na tayo ang makipagusap sa mga unreasonable demand ng mga tao

    tama ginawa ng mga kano, kausapin mo na lang insurance nila or claim department nila

  11. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #11
    ^ siguro dapat gawin mandatory para sa lahat ng kotse kahit PUV may compre insurance each para yun ganitong incident di na kailangan problemahin

  12. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    3,822
    #12
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    ayos! kaya dapat meron insurance tayong lahat...para sa mga katulad ni TS...gusto palitan bumper, gusto pa ng danyos...para hinde na tayo ang makipagusap sa mga unreasonable demand ng mga tao

    tama ginawa ng mga kano, kausapin mo na lang insurance nila or claim department nila
    kaya siguro na galit din yung kano kasi iniisip nila na iisahan pa sila ni TS obvious naman na di kelangan palitan pero gusto palitan.

  13. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,407
    #13
    pwede na sa repaint yan. just prepare all the necessary documents before claiming insurance. lahat naman magagawa sa maayos na usapan.

    OT: may incident sa amin sa office na naurungan (or natumbok namin) kami ng vios. the vios' owner insisted na bayaran na lang namin sila. ayaw ipadaan sa insurance dahil madami daw paper works. we insisted that we talk to our insurance since our car was a company-issued vehicle. yung driver na kasama ko yung nakipag-usap. inayos naman niya yung papers sa admin para maka-claim yung owner ng vios.

  14. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    1,779
    #14
    Bakit may danyos?

  15. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    3,779
    #15
    bro,

    yung nag quote sa iyo ng 10K na taga cdo, sunugin mo ang shop nila. namputsa, kaya nasasalot ang cdo dahil sa mga taong
    katulad nilang mapagsamantala. hindi ka kamo nagpapalit ng brand new bumper, repaint lang. tang ina nya, ang kapal ng mukha nyang
    tumaga, ano yang art painting ni juan luna ?

    seriously, just repaint it pagbalik mo dito sa manila or baka mabawasan ang gasgas kung pa buffing mo lang in case hindi ka pa makakita ng magaling
    at murang paint shop.

  16. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #16
    ^ Puso mo bro. :D

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,338
    #17
    Quote Originally Posted by macsd View Post
    bro,

    yung nag quote sa iyo ng 10K na taga cdo, sunugin mo ang shop nila. namputsa, kaya nasasalot ang cdo dahil sa mga taong
    katulad nilang mapagsamantala. hindi ka kamo nagpapalit ng brand new bumper, repaint lang. tang ina nya, ang kapal ng mukha nyang
    tumaga, ano yang art painting ni juan luna ?

    seriously, just repaint it pagbalik mo dito sa manila or baka mabawasan ang gasgas kung pa buffing mo lang in case hindi ka pa makakita ng magaling
    at murang paint shop.
    Hehehehe... Taga talaga. Mas mura pa bumili ng bumper at ipa-paint sa branded na paint shop in Manila.

  18. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    780
    #18
    Quote Originally Posted by macsd View Post
    bro,

    yung nag quote sa iyo ng 10K na taga cdo, sunugin mo ang shop nila. namputsa, kaya nasasalot ang cdo dahil sa mga taong
    katulad nilang mapagsamantala. hindi ka kamo nagpapalit ng brand new bumper, repaint lang. tang ina nya, ang kapal ng mukha nyang
    tumaga, ano yang art painting ni juan luna ?

    seriously, just repaint it pagbalik mo dito sa manila or baka mabawasan ang gasgas kung pa buffing mo lang in case hindi ka pa makakita ng magaling
    at murang paint shop.
    Laugh trip haha. Baka ma high blood ka sir hinay hinay lang =D

    TS - Nakakasama talaga ng loob dahil wala pa isang taon kotse mo meron na gasgas. Lakarin mo na lang lahat ng documents like Police report tapos estimated price galing CASA or shop. Pakita mo lahat dun sa nakabangga sayo para mabayaran ka.

  19. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #19
    tama TS, dapat ay magclaim ka sa kanila. Pa-estimate ka sa casa at yun ang singilin mo sa kanila. Hindi naman sa namemera ka pero sa tingin ko tama lang na pagbayaran nila yung ginawa nila sa sasakyan mo lalo nat naka-park ka lang, nananahimik sasakyan mo tapos eh babanggain lang ng ganyan...Hindi naman natin kasalanan kung t*nga sila magmaneho eh...

  20. Join Date
    Apr 2012
    Posts
    1,779
    #20
    Quote Originally Posted by erick_214 View Post
    tama TS, dapat ay magclaim ka sa kanila. Pa-estimate ka sa casa at yun ang singilin mo sa kanila. Hindi naman sa namemera ka pero sa tingin ko tama lang na pagbayaran nila yung ginawa nila sa sasakyan mo lalo nat naka-park ka lang, nananahimik sasakyan mo tapos eh babanggain lang ng ganyan...Hindi naman natin kasalanan kung t*nga sila magmaneho eh...
    Alam ng mga Kano namemera, kasi gusto palit bumper para lang sa gasgas. At balak pa humingi ng danyos. Ano tawag dun?

    Lagay mo sarili mo sa katayuan nung mga Kano, magagalit ka rin.

    Always remember... Karma's a bitch.

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

binangga ng US army vehicle habang nakapark ng maayos!