New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2
    #1
    Dear tsikoters,
    Unang beses ko po magpopost, kaya kung may mga mali po, or sa title ko ay masyado mahaba pagpasensyahan niyo na po ako... Pa-Suggest na lang po ng tamang title... thanks...
    Anyway, ito po ang nangyari:

    Involved Vehicles:
    Honda City -
    My car
    Mitsubish Strada - Atty.'s car (Minamaneho ng driver niya)
    Speeding Bus
    SCENE1:


    ================================================== =============================
    SCENE2:


    Bali sa scene1, nanggaling kami parehas ng Mitsubishi Strada sa Don Antonio, nasa likod ko cya before pa kami lumiko kaya na una ako ng konti. Nun lumiko ako malayo pa yung mabilis na Bus kaya safe naman ang pagkaka liko ko... Ang sumunod pala na nangyari, pinilit ng Mitsubishi strada na lumiko pa din sa attempt niya na mag overtake sakin. Pero na miscalculate niya ang speed ng paparating na bus at hindi talaga siya hinintuan ng bus, at sa mabilis na desisyon niya, kinabig na lang niya pakanan ang Mitsubish Strada niya at binangga na lang niya ako, kasi kung hindi, talagang wawalisin siya ng paparating na mabilis na bus. In the end inasikaso naman kami ng mga police at MMDA na nandun... Aminado naman yung Driver na kasalanan niya at yun ang ginawa niyang alibi sa mga police... yung paparating na BUS... pero yung bus, walang maka-alala kung ano ang plaka at kung anong bus ito. AT ito pa, May sakit daw yung Driver nila kaya daw ganun...

    Anyway, yan po ang kwento, pero di diyan nagtatapos ang problema... nagkasundo both parties na idaan na lang sa insurance para bayaran ang damages sa kotse ko. Matibay yung Mitsubushi strada... kasi sa laki ng Strada, halos yung Mag Wheel nya ang yumupi sa left-side, bumper at headlight ko... at gasgas na lang sa gilid niya... Halos 2 dipa din ang itinalsik ng headlight ko... After magbigayan ng contacts at details, pag uwi, saka kami kumuha ng estimation sa aming matagal nang kakilalang mekaniko... at sa laki ng damages at sa may left side ng sasakyan ko, aabot kami ng kulang-kulang P18,000 di pa dyan na checheck kung may damage sa makina or other parts, body pa lang. Ang gusto mangyari ng mom ko, mabayaran lang kahit half muna para pang pagawa sa mga nasira like side-mirrors, headlights, at yung steering nya parang maingay pag nililiko yung manibela... Kaso sabi nun Abogado, mga 1 month pa daw ang hihintayin para sa insurance nila dahil iimbestigahan din daw ng insurance nila yung mga damages ng sasakyan ko... Pero need yung sasakyan sa pang araw-araw, ang amin lang kahit abonohan muna nila kahit pampagawa lng ng mga critical parts like side mirrors, yung headlights at yung pang-liko, kasi prang delikado ibiyahe ng ganon... kaso 1 month daw talaga ang kelangan hintayin... HELLO!? kami na nga yung na perwisyo kami pa ang paghihintayin ng 1 month pa sa approval ng insurance nila? kung pwede lang ipahiram yung sasakyan nila, pero hindi pwede eh... Pa-help naman po tsikoters kung pano or kung pano mapiga yung insurance nila na aregluhin naman ng mabilis, pero kung wala na talaga magagawa, tanggap ko naman... thanks for reading at sana matulungan ninyo po ako...

    -Bryan

  2. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    2,284
    #2
    May Comprehensive Insurance ba yung sasakyan nyo sir? Kung meron, let your insurance co. go after Atty's insurance co.

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #3
    if the above poster's ^ tip wont work, you can call the Atty at siya ang kulitin mo ng kulitin para kulitin niya ang insurance co. niya.

    sad to say that if he wont shoulder the important expenses, at kung 1 month talaga yung kailangan para maaprove, ikaw talaga magsshoulder ng kailangan mo.

  4. Join Date
    Oct 2009
    Posts
    2
    #4
    wala po comp. insurance... anyway thanks po sa pag reply sir ron and sir renz... mukhang idadaan ko na lang sa kulitan-blues ito...

  5. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    421
    #5
    yup it usually takes about a month for them to process the papers... just try to make kulit that they made hassle, maybe they can try to give you stuff to make you feel better

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #6
    Di kaya member pa ng TSCP yang bumangga sa yo.......

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #7
    Si Bro.Patriarch ba o si Bro.alainroyce ang abogado sa kanila?....

    Baka ka-companero nila,- matulungan ka nila....

    12.3K:outcold:

  8. Join Date
    Dec 2007
    Posts
    5,064
    #8
    Quote Originally Posted by chua_riwap View Post
    Di kaya member pa ng TSCP yang bumangga sa yo.......
    Quote Originally Posted by CVT View Post
    Si Bro.Patriarch ba o si Bro.alainroyce ang abogado sa kanila?....

    Baka ka-companero nila,- matulungan ka nila....

    12.3K:outcold:

    sa mga lawyer na TSCP members na based dito sa Manila, ako lang ang from QC... lahat sila based sa south (Paranaque and Las Pinas)... so malamang hindi member ng TSCP yan... pero just the same puede ba makuha yung plate number nung bumangga kay TS? or i-PM sa akin yung name ni panyero? baka kilala ko rin, madaan sa paki-usap...

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,093
    #9
    not to be an *ss or anything but that is the right way, walang mali sa ginawa ng lawyer, I mean that is the reason why we get a comprehensive insurance for instances like this.

    hinde ka naman pala tinakbuhan eh.

  10. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    499
    #10
    Medyo matagal talaga pag-process ng claim sa insurance. My car has been with Citimotors Makati for 7 days na, waiting for approval from Standard Insurance. Baka next week pa daw ma-approve

Binangga ng driver ng Abogado = 1 month pa ang hihintayin para sa kanilang insurance?