That was according to one of those "counter-flow specialists" along Tandang Sora.
Nagmamaneho lang ako pauwi. Traffic ang opposing lane. Counterflow ang tricycle ni gago. Eh ako na kasalubong. Ayun ipit siya (alangan naman lumipad siya, diba?).
Tapos nung nasa tapat ng pinto ko ang sama ng tingin saken (naka-crack ng konti salamin ko, maginaw kasi). Napatingin din ako sa kanya. Ang sama ng titig parang crush ako kaya binaba ko pa ng konti bintana at tinanong ko kung baket.
Aba sinagot ba naman saken: "Nagsisimula ka ng gulo, eh!" (galit pa!). Sagot naman ako: "Ikaw na nga sumalobong, ako pa nagsimula ng gulo?"
Sagot sa akin: "Anak-mayaman ka kasi!" (duh? Ano connect nun).
Wala akong oras makipagtalo sa mga ganyan, nung kasya na sasakyan ko, umabante na ko.
Sheesh. Ngayon alam ko na laman ng utak ng mga tarantadong ito (WALA! Ampaw amputcha!).
*smile tayo lahat* :D





Reply With Quote
(nakiki-ride on lang ako sa biruan, ha).
