yung mga lane changers na balasubas kung manakop ng lane! sarap sampulan!
Mga PUVs na sa gitna ng kalsda/intersection nagbababa at nagsasakay. Natatawa pa or na nagagalit pag binusinahan.
sa gilid ng tulay ng quiapo.. madami nga ganyan... nagaantay ng pasahero.. ayaw umabante... pero nakakaloko... malapad kasi ang kalye.. so parang naghaharangan sila... para di mauna yung nasa likod na jeep.. kaya kahit ayaw nila umabante... nasa gitna sila lahat ng kalye.. hirap dumaan mga private motorists
Probably not considered as an etiquette pero I`ll post it nevertheless.
Yung mga hindi gumagana yung tail light ! Especially jeepneys.
Yung mga naka HID na kahit low beam e nakakabulag sa kasalubong, at sila pa ang galit pag nagflash ka ng high beams mo.
Yung iba hindi naka HID pero naka highbeams naman magdamag. Lalong nakakainis pag naka-high beams yung sumusunod saio sa likod.
imho... meron din mga hindi nga naka hid pero pag nakitang naka hid ka.. bribrightan ka kahit di naman sila nasilaw..
dilated siguro ang pupils nung mga oras na yun. hehehe but kidding aside, nakakasilaw may be subjective. Some eyes are oversensitive to light, some are not.
mga jeepney drivers na kung sumingit eh akala mo eh may pangbayad.... at nung masagi ako imbes na mag sorry... ang sabi pa sakin buhusan nalang daw ng maiinit na tubig at mabubura na yun gasgas.... bad trip talaga... demanda ko nga... sabay ipa hold ang drivers liscense sa fiscal.... hanggang hindi pa tapos ang PI... BYAHENG cityhall- jordan po yung jeep.... kung nagsorry ba naman siya ni pabayaran hindi ko pababayaran ang nadamage nya at kawawa naman mga driver..
Kanina may bobong jeepney driver na walang modo , i was driving enjoying ang sunday mode as in maluwag kalsada on my way sa pandacan bandang PRC sta ana may sinusundaan ako jeep mga 40km/l takbo ko then biglang... Full stop si tang* without breaklights at halos gitna pakalsada,ang dahilan...bumili ng yosi sa takatak boy!
mga late mag signal lights... hirap yan pag ikaw kasunod mabulaga ka na lang liliko na pala..
sa expressway naman yun babad mode sa overtaking lane.
tapos yun kakago pa lang ng traffic lights eh yun nasa likod mo wagas makabusina.. sakit sa tenga kaya..
Tapos sabi mo gawain mo mag counter flow, parehas lang kayo nyan wala ka karapatan magalitOriginally Posted by glenn manikis