^Naalala ko pa meron dati nagpost, inangasan daw nya, yun pala pulis, sa dulo nakotongan na siya, inabala pa ang nanay.
Posted via Tsikot Mobile App
^Naalala ko pa meron dati nagpost, inangasan daw nya, yun pala pulis, sa dulo nakotongan na siya, inabala pa ang nanay.
Posted via Tsikot Mobile App
Ako sir dati gumaganti din ako sa mga *******ng yan pero ngayon hindi na kase wala naman patutunguhan yung mga ganyan na pangyayari lilipas din yan at karamihan naman sa kanila kinakarma agad. Tsaka tingin ko nakakatulong yung pag post ko dito ng mga plaka nila para maging aware lahat ng tao na meron silang history na bastos talaga sila magmaneho at sana magbago na sila ng style ng pagmamaneho para hindi sila karmahin.
BTT: Yung mga naglalaro habang nagdadrive ng auto nila kanina meron ulit ako nakasabay naglalaro ng Candy Crush habang traffic. Tsaka yung mga motorist na tuliro parang lipad yung utak nila habang nagdrive sana nag-arkila na lang sana sila ng driver at yung mga naka earphones din pala habang nagdrive sila madalas yung bigla na lang mag cut at sila pa galit pag binabaran mo ng busina.
yung ginagawa mo di nakaka tulong at wala din matututunan yung dinuduro mo. bata pa kasi kaya kala mo nakakatulong ang ginagawa mo, hirap yan pag may naka tapat ka na sira ulo baka mamaya kung ano pa gawin sa iyo. kung gusto mo talaga maka tulong punta ka sa lto don ka mag reklamo okaya sulat ka kay nonoy at pag dasal na pansinin ang sulat mo.
Yes, kaya don't underestimate the person behind the wheel of the other car kasi hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin. Kaya mo ngang magyabang habang nasa loob ng auto mo, behind the black tint, pero pag naki pag engage yung other driver at binabaan ka niya, baka umabot sa lalamunan mo ung balls mo at hindi ka makagalaw at mawala lahat ang tapang mo.
Look at this video, it's one example. Gusto niyang turuan ng leksyon ung truck driver and the Audi driver flipped the bird. Ang yabang niya habang nasa loob ng auto niya. Look what happened nung bumaba ung truck driver...
[ame=http://www.youtube.com/watch?v=1iSR1Pzm9MQ]Don't Give the Finger to a Truck Driver - YouTube[/ame]
Dark green na Urvan kanina sa dela rosa st beside Makati Med. Nag go signal na ang lights pakaliwa to Amorsolo tapos hindi gumagalaw. I beeped once at pinaabante na rin sya ng traffic marshal. Ang bagal bagal umusad. Nagka space sa kanan nya so nag signal ako ang moved there. Biglaan nag swerve sya pakanan din na walang signal at biglang tumabi. Take note napakalapit nya sa intersection so sagabal sya sa lahat ng kumakaliwa, hindi lang sa akin. Busina ako pero kebs si gagong Urvan. So ako na nag adjust dahil di marunong mag drive si bobo. When I passed him, binaba nya ang bintana at alam nyo yung mukhang dugyutin na ungas na ngumunguya pa ng chewing gum na parang kambing? Ganun ang hitsura. At parang bagito so hinayaan ko na. Nagaantay pala ng sundo na tumatawid mula sa kabilang side nang daan. Pero in the meantime nakaharang sya dun at walang pakialam. Ang consolation ko lang talaga ay alam kong sometime very soon mababangga yan o makakahanap ng mainit ang ulo na bubugbog sa kanya or worse. Nakakatawa lang yung hitsura nya mas bagay syang mag drive ng tricycle. Or wait actually matitino pa hitsura ng mga tricycle drivers kesa sa kanya.
Posted via Tsikot Mobile App
Umulan ng malakas kanina sa Angeles at Mabalacat Pampanga at medyo makapag ang fog sa nlex. And for the first time, nakita ko ang mga kakaibang pag iisip ng karamihan. Halos lahat naka on ang HAZARD LIGHTS at yung iba palipat lipat pa ng lane! Nakakatakot dahil low visibility na nga ang road, ang bilis pang mag drive at palipat lipat pa ng lane. Ang ginawa ko nalang nag stay ako sa right lane kahit mabagal ang owner type jeep sa harap ko na naka hazard lights din till I reached the exit.
Kanina naman ang ginawa ko ioon ko yung hazard ko for 2 clicks then off ulit. Wait 5 seconds then flash ulit ng hazard for 2 clicks then off ulit.
Marami naman ang nakakaprocess ng mensahe na nais kong iparating at kanilang pinapatay ang mga hazard lights.
yong mga sumisingit pinapauna ko nalang, sasakyan man or motor nagmamadali kasi sila , para iwas gulo at disgrasya.
Last wednesday along Quirino Avenue (Tambo-Dongalo), sobrang traffic tapos may isang jeep na nagcounterflow sa kabilang lane para makauna then may sumunod na Heavily tinted na Avanza or Innova na nakaON ang headlight at hazard, nung babalik na siya sa tamang lane dahil may kasalubong na truck walang gusto magbigay sa kanya kaya ang mokong napilitin magkunwari at nagpark sa kabilang side ng kalsada. Nung wala na kasalubong, umandar na ulit at pinipilit pa din nya pumasok ulit sa tamang lane ang kaso wala talaga gusto magbigay sa kanya kaya ayun, nalampasan pa siya nung mga nasa likod nya nung una.
Yung mga ganitong klase na driver ang masarap ipitan ng granada yung clutch pedal dahil walang karapatan yung mga ganyan ang ugali sa kalsada.