New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 51
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #1
    sa tapat ng building B yung parking na malapit sa SM supermarket
    nabuksan yung kotse ng kaibigan ko..nawala yung mobile nya plus yung parking ticket...pagbalik nya kasi nag alarm na yung kotse....ingat na lang mga tsikoteers

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,219
    #2
    holy cow!! :exclaim: and I thought parking in Megamall was safe. para san ka pa nagbayad ng parking fee??!?! :swear:

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #3
    sa open parking ba to?

    pag sa open area, make it a habit na mag park malapit sa ticket booth o sa mataong lugar o maliwanag...hirap na.

    be extra careful guys...hirap na buhay ngayon..di natin alam kung sino pagkakatiwalaan..

    thanks ser ozcity

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #4
    you are paying for the "space/slot" not the security. - yan ang laging reason nila, park at your own risk.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #5
    Sen Pia Cayetano, paki-revive ng bill na naiwan ng tatay mo -- parking fee/security issue ng mall

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,306
    #6
    sa open parking yata yung sinasabi ni ozcity..

    mukhang desperado na yung magnanakaw, meron ng alarm at binuksan pa rin, mukhang kita yung cellphone mula sa bintana

    mas mainam na magpark na walang nakikita mula sa bintana.. pati bag rin itago para hindi na magka interest pa yung magnanakaw..

  7. Join Date
    May 2004
    Posts
    3,221
    #7
    tam si revo. naalala ko tuloy nung nakapark kaming apat malapit sa west ave. ninakawan yung dalawa dahil walang alarm samantalang kaming dalawang me alarm ay pinagpilian. Nakita nila na may walet sa kambyo yung kotse ng barkada ko kaya sya inuna. Pag tunog ng alarm nya labas kami lahat sa bahay at nakita na lang namin na humaharipas sa takbo yun sasakyan ng bukas kotse.

  8. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #8
    mahirap din mag iwan ng parking tiket sa loob ng kotse.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    400
    #9
    Bakit iniwang yung parking ticket at celfone
    sa loob ng car? Was he feeling secure in
    parking at Megamall open parking area?
    You park your car in that area and it becomes
    fair game dahil it is so big and anyone can just
    come there and steal from your car.

    Masyado talagang greedy yang si Henry Sy.
    As if naman madadala niyang lahat yan pag
    namatay na siya...

  10. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    5,847
    #10
    Sen Pia Cayetano, paki-revive ng bill na naiwan ng tatay mo -- parking fee/security issue ng mall
    Agree ako kay Redhorse dapat revive ang bill about that freakin parking fee..

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #11
    hindi lang naman si Henry Sy yung sumisingil sa parking e. lahat ng malls at shopping centers sa manila ganyan. heck even the San Juan city hall now charges for parking on the street in greenhills. pero grabe na yung parking rate sa megamall covered parking ha, P35 for 3 hours and 59 minutes? ano yan, development fee for painting the walls and floors of the parking building?

    never leave valuables and especially the parking ticket in the vehicle. SOP dapat na ilagay sa wallet yung ticket pagbaba ng sasakyan sa parkingan

  12. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    5
    #12
    brod,

    try nyo mag iwan ng 9mm magazine sa loob ng otto or kahit bullet lang medyo magdadalawang isip yang mga hinayupak na yan....me ung oto ko clear glass pa pero d pa naman nananakawan.

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #13
    pwede rin yung alaga niyong sawa hehehe

  14. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    202
    #14
    mag lagay kayo aso sa loon ng kotse hehe

  15. Join Date
    Sep 2002
    Posts
    406
    #15
    Originally posted by RedHorse
    Sen Pia Cayetano, paki-revive ng bill na naiwan ng tatay mo -- parking fee/security issue ng mall
    paano kung city government ang binabayaran? will the government also be liable?

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #16
    opo dun mismo sa open parking area, ang pinagtataka ko daanan ito ng tao saka malapit ito sa booth ng exit ....
    e nakalimutan daw nya yung cellphone at ticket...
    wala na talagang safe na parking....nagbabayad ka
    na nga ng mahal tapos mawawalan ka pa....sarap
    pagbabarilin yung mga hayop na yan...

  17. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    464
    #17
    ako po, i make it a habit na nilalagay sa wallet ko ung parking ticket/card bago bumaba sa kotse.. and bago po ako bumaba, kinakapa ko ung pockets ko na pnaglalagyan ng wallet and cellphone ko.. heheh.. actually, ugali naming magkapatid na kapain ung pockets bago rn umalis ng house.. heheh..

  18. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    1,082
    #18
    ugali naming magkapatid na kapain ung pockets bago rn umalis ng house.. heheh.
    same here...

    i check left pocket : cellphone and panyo : check!
    i check right pocket : wallet and car keys : check!
    i check my left wrist : watch : check!

    and i check my smell kung mabango na ako hehe

  19. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    22,702
    #19
    same same... NEVER EVER EVER leave anything in your motorcar... and if you do... hide it WELL. As much as possible, park your car where there are a lot of people, or near a guard.

    When I park at the mall, I let my family off first, then find parking... I don't care if it takes me five minutes to get a space, or fifteen, as long as I get a space that I'm comfortable with.

    Unfortunately for us, parking fees are like space rental fees. You are paying for the use of the real-estate, not for the security. But if you're paying a lot, (this is especially true of certain QC and Makati malls and carparks), you should be able to demand security.

    Dapat nga sa carpark, di ka makapasok or makabalik sa loob ng carpark na hindi mo hawak yung ticket... an easily implemented SOP that would really limit the amount of bullshit that goes on at mall car-parks... Kung iisipin mo... logical naman ito para sa enclosed carparks like those at Megamall... bakit di naman magawa?

    Ang pagbalik ng comeback...

  20. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    464
    #20
    Originally posted by kyle618
    same here...

    i check left pocket : cellphone and panyo : check!
    i check right pocket : wallet and car keys : check!
    i check my left wrist : watch : check!

    and i check my smell kung mabango na ako hehe
    galing ah kyle... pareho pala tyo ng bro ko... actually, may chant pa nga kme eh.. sabay pa yan.. " phone, keys, wallet!" wala lang.. share ko lang...:D

Page 1 of 3 123 LastLast
Ingat sa parking sa MegaMall