New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #1
    mga koya,

    galing kase ako dun sa lumang kong skul, may inasikaso lang.
    badtrip kanina sa morayta, yung mga u-turn dun. tuturn palang ako biglang may rumaragasang armored car na sumulpot pa swerve swerve pa!!! tpos sudden brake sila, den bumaba, pinagmumura ako at kung ano ano pinagsasabi!, bababaan ko sana pero nag-alangan ako, may dalang mga shotgun e, so i kept my cool na lang, buti na lang na-rescue ako ni manong pulis, sabi sa akin wag ko na lang daw patulan, dahil barumbado at bastos ( paano kaya sila matututo kung walang susupalpal sa kanila?) edi sinundan ko pakanan ng ever recto. akala ko pa naman may dalang pera(kase pagkaalam ko SOP ata nila un) eh wala naman! kumakain lang at naghuhugas pa ng PLATO! binabaan ko at kinausap ko.

    siya naman ang di makababa, hinihingi ko yung pangalan niya iba yung bumaba.hanggang bukas lang siya ng pinto ng konti(para di ko makita yung name tag niya) hindi niya ako harapin dun!!! ahaha...

    MANDARIN yung agency niya, did some research eh may-ari is colonel so nireklamo ko dun...nagtaka sila bakit ko nakuha yung number eh medyo bastos rin, sino daw ako para pagsabihan sila?(duh muntikan man lang kame mamatay)(=HINDI NAMAN DAW NABANGGA!!!) dun ako badtrip eh hihintayin pa nila mangyari yun?! porket kase student lang ako ganun na? eh paano kung magpakilala rin ako? grrr... so pinabayaan ko na lang... actually mababaw siya kaso sana madisiplina naman ang mga driver dito sa atin, parang nakaka frustrate mag-drive dito... haaay.


    plate number nun: TMH 264
    tel. number nila is :3748298


    wala lang rant lang ako. badtrip eh.

  2. Join Date
    Apr 2005
    Posts
    456
    #2
    dapat dito paulanan ng tawag ng mga tsikoteers tapos sila naman pagalitan natin (at pagmumurahin)... para maburyong yung sumasagot at ng mapagalitan yung may dala nung van... :D

  3. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    187
    #3
    ok sana kung may transport sila na pera. kung kakain lang, pwede naman makapag hintay yun. ganyan naman halos lahat ng armored car company. dati muntik na nila ako mahagip sa nlex. tumawag ako sa company. hinihingi pa ba naman yung palte number ng lahat ng sasakyan nila para daw may makapag confirm sa back up nila kung talagang nangyari nga ang ganun. ayaw patalo. syempre dahil lima sila, di mo makukuha lahat. tapos ide-deny nila lahat yun syempre. kamote... ingat na lang

  4. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    2,267
    #4
    dati na itong lumabas sa balita. mga armored van na akala mo eh sila lang ang nagmamadali. kahit ata sa ambulansya at bumbero ndi ito maggi giveway eh.

    ang problema nga eh puro military ang may ari ng mga kumpanyang ito kaya ang kakapal ng mukha.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #5
    I don't know if the thread is still buried somewhere under here, pero yung kapatid ko binagga din ng armored truck ng Land Bank, tapos tumakas yung armored truck. Siyempre habol yung kapatid ko, open niya window niya and inform occupants na nabangga nila siya.

    Ano ginawa ng armored car? ANO PA BA, EH DI BINANGGA ULIT SASAKYAN NG UTOL KO!

    Sabay baba sila tutok ng machine gun at shotgun sa utol ko tapos pinagmumura siya at tinakot. Kapatid ko naman galing school, nag-iisa lang, naka-uniform pa. Pero hindi nagpatalo, sumunod pa din kung saang Land Bank yung armored truck (Land Bank Philcoa) sabay tawag ng dito sa bahay.

    Punta dad ko, gamit yung malaking Mercedes (Sentra sasakyan ng kapatid ko that time). Biglang bumait mga tao sa banko (nagpa-merienda pa!).

    In the end, dinemanda pa din namin. Nagsettle sila pero inovercharge pa din namin. :lol:

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,144
    #6
    dapat patanggalan na ng driver's license ang driver na yan!
    pwede kaya?

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,754
    #7
    Mga abusadong Sekyu naka de sabog lang ang yayabang na..

  8. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #8
    Nakaka-highblood naman tong pangyayari nato!

    Sandali, inom muna ako ng pritor at betaloc ko...

    As I was saying, mga ogag talaga kung minsan yang mga abusadong yan porket mas makapal ang sinsakyan nila. Kaya nga kung minsan kapag may balita na may nahoholdap na armored na may mga nasugatan na jaguar (guardia) eh hindi ka maawa .

  9. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,973
    #9
    ingat din kayo sa ortigas under the flyover if you're coming from greenhills. may isang malaking parking lot ng armored cars sa kanan, madalas ginagaw nung mga mokong uturn ng mabilis at deretso sa kaana para makapasok sa parking lot nila. pag trafik dun talgang tutok yung inches na lang sa tagiliran ng mga oto na natrafik.

    dati dito sa sta mesa, nag trapik ng husto sa main road so dito sa street namin umiikot yung iba sa harap ng bahay namin, may isang armored car inakyat sa banketa at sinagasaan mga halaman namin. pag baba nya sa bangketa shoot sa manhole ang gulong di na nila maalis. sakto naman dating ko, aba ang kakapal ng mukha, lumapit pa sa akin at nang hihiram ng jack, tinuro ng boy namin na sila ang sumagasa sa mga halaman, sinabi ko agad, eh taD** pala kayo sasagasaan nyo mga halaman namin tapos sa akin ka pa hihiram ng jack... ano agency nyo sa sino hepe nyo ha? lumayas ang mokong... buti nga lalo sila natagalan dahil di makaalis sa manhole.

  10. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    939
    #10
    call brigade na ba mga bros?

Page 1 of 2 12 LastLast
armored car!